~ Chapter # 13 ~

660 50 13
                                    

~*~

~ The Six Challengers ~

A.N: Eto mahabang update, para makabawi ako sa inyo. Hahahaha. Enjoy reading ~

Meichii's POV:

" Sige pasok kayo. "

Yaya samin ng aming bagong guild master na si Tryze, nauna na siyang pumasok kaya agad kaming sumunod. Sinabi niya samin na kakabili niya lang ng gusaling ito para gawing guild house, grabe ata yung inipon niyang coins para dito. Yung gusaling pinasok namin ay matatagpuan sa bandang dulo ng Ziconcia, kung saan wala masyadong NPC o players dahil wala namang shops dito o ano. Puro dikit-dikit na medieval houses lang ang nandito, pero may ilang batang NPC rin ang naglalaro sa kalye.

" Ayos ba? "
Tanong ni Tryze na kakaupo lang sa isa sa dalawang couches na pinagigitnaan ng isang glass table, para sagutin ang tanong niya ay iginala ko muna ang tingin ko sa magiging guild house namin.

Walang kahit anong dekorasyon ang makikita sa batong haligi ng silid, at wala ring masyadong laman ang salang ito. Ang tanging nilalaman lang dito ay ang bulletin board na nakatayo sa isang gilid, ang isang medyo malaking bookshelf sa kabilang gilid, at ang binanggit kong couch at glass table. Sayang ang lawak ng silid na'to kung wala namang laman.

" Gusto ko dito, maaliwalas at nakakarelax ang pagiging malawak nito. "
Nakangiting saad ni Axel saka umupo narin katabi ni Tryze.

" Oo nga, tapos mahangin pa dahil malalaki ang bintana. "
Side-comment naman ng katabi kong si Mokongjin. Haha.

Napansin niyang nagpipigil ako ng tawa kaya napabaling siya sa'kin ng nakakunot ang noo.

" Anong nakakatawa sa sinabi ko? "
Medyo naiinis niyang tanong. Hindi yung sinabi mo yung nakakatawa, ikaw. Haha.

" Wala, may naalala lang akong joke. "
Natatawa kong sagot saka umupo narin sa kabilang tabi ni Tryze, padabog naman na sumunod si Jin. Ang cute niya talaga kapag naiinis. Haha.

" Sige, titingnan ko muna kung nandito yung ibang miyembro ng Los Desvalidos. "
Wika ni Tryze saka tumayo at naglakad papunta sa double-door style na pintuan katabi ng bulletin board at pumasok. Honestly, hindi ko type ang guild name namin. Gusto naman ng dalawang kasama ko kaya sige pipilitin kong gugustuhin.

" Ang galing, meron tayong sariling guild house! "
Namamanghang saad ni Axel habang iniikot ang tingin sa buong silid.

" Oo nga eh, may lugar na tayong pagtatambayan kapag wala tayong magawa. "
Pagsang-ayon naman ni Jin. Pagtatambay lang talaga inaatupag neto.

" Sana naman magkakaroon tayo ng sarili nating kwarto sa guild house na'to, para hindi na tayo magtitiis sa mga inn. "
Komento ko sakanila habang komportableng nakasandal sa malambot sa couch, nakakatanggal pagod tong kutchon na'to!

" Sa tingin ko merong mga bedrooms ang gusaling ito, ang lawak kasi tapos may pangalawang palapag pa. "
Sagot ni Axel habang nakaturo sa hagdan paakyat ng second floor. Sana tama yang iniisip mo.

" Anong ginagawa mo Mokongjin? "
Asar kong tanong kay Jin na busy na nakatingin sa kanyang menu. Bumaling lang siya ng mabilis sa'kin saka humarap ulit sa holographic screen niya sa harapan. Aba!

" Hoy! Tinatanong kita! "

" Hindi ako si Mokongjin. "
Seryoso niyang sagot habang nakatingin parin sa kanyang screen. Naasar talaga sa pantawag ko sakanya eh. Haha.

" Tch! "
I clicked my tongue bago sumagot.
" Ano yang ginagawa mo Jin? Oh ayan, happy? "

" Tinitingnan ko ang guild rankings. Oh? Masaya ka na? "
Iritang sagot niya. Ayaw talaga magpatalo.

Medievus OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon