~ Chapter # 16 ~

553 37 0
                                    

~*~

~ Training and Raiding ~

A.N: Pasensya na kayo kung natagalan yung update, dami kasing ginagawa eh. Haha.

Medyo ma-aksyon at mahaba naman ang chapter na'to kaya sana'y sapat nayun para makabawi ako sa inyo. Hehe.

Happy 5k reads by the way! Salamat sa inyong patuloy na pagbabasa!

Enjoy reading ~

Tryze's POV:

" Farewell Adventurer! Come back again! "
Nakangiting paalam sa'kin ng matandang blacksmith ng Ythopius pagkatapos niyang isauli ang pina-enhance kong sandata, ang aking double axe. Kumaway lamang ako sakanya saka lumabas ng kanyang armory.

" Bilis magsisimula na yung bidding! "

" Tara! Baka mahuli na tayo! "

" Pare! Magsisimula na! "

Yan ang ilang ingay na naririnig ko habang naglalakad patungo sa central plaza ng town.

Dito kasi sa Ythopius, marami kang makikitang black markets. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit yun yung tawag nila sa mga auction houses. Mga gamers talaga, mahilig magpauso ng mga nicknames ng kung ano-ano. Haha.

Dito sa Ythopius ang may pinakamaraming auction houses, kaya dito kadalasan nagtitipon ang mga mayayaman na players para sumubok na makakuha ng rare o legendary class na mga items. Pataasan ng bid ang labanan. Haha.

Minsan sumasali rin ako sa mga auction, doon ko nga nabili tong dalawang palakol ko. Haha.

" Open Menu .. "
Mahina kong sambit pagkatapos umupo sa isang bench malapit sa flower garden sa gitna ng plaza kung saan maraming players ang tumatambay.

Binuksan ko ang aking inventory at tiningnan ang panibagong stats ng kaka-enhance ko lang na sandata.

~
Item Description:

Name: Volcania Double Axes ( Lvl. 4 )
Quality: Rare
Element Type: Fire/Earth
Class Req: Barbarian/Berserker
Level Req: 52
ATK Power: 700 - 1100
M.ATK Power: 250 - 600
CRIT Chance: 45% - 60%
Bonus stats and effects:
ATK Speed + 30%
CRIT Damage + 25%
Burning Steel - Dealing continuous damage to an enemy will cause them to take additional burning damage ( 10% of total damage ) per second.

[ Unequip ]
[ Close ]
~

Nice! Ang lakas na ng double axes ko! Tapos nadagdagan pa yung burning damage ng 5%. Ayos! Hehehehehe ~

*Beep!*

Natigil ang aking kaunting selebrasyon ng biglang lumitaw sa aking harapan ang isang notification screen, agad kong tinanggal ang inventory screen at binasa ang nakasulat sa notification.

~
[ Inbox ] ( 1 unread message )
~

A message? Pinindot ko ito dahilan para lumitaw ang message screen, agad akong nagulat nang makita kung sino ang nag message sa'kin.

~
From: Seige
Message:
Pareng Tryze! Nagkaroon ako ng pagkakataon na palihim na mag-send ng message! Ililipat kaming mga bihag ngayon sa dungeon ng Ziconcia, tulungan niyo kong makatakas! Please!

Medievus OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon