~ Chapter # 1 ~

1.7K 103 5
                                    

~*~

~ Request Granted ~

A.N: Please kung bumabasa kayo sa inyong phone i-adjust niyo po ang font size sa settings ninyo para hindi magmumukhang tae sa screen niyo yung pag-arrange ko ng ilang format ng screens ng characters. Thank you ~

Squain's POV:

Nakaamoy ako ng baho na parang kanal kaya idinilat ko ang aking mga mata.

Bumungad sa'kin ang isang maputik, mabaho at malumot na lugar. Nasa swamp pala ako nung nag log out ako kahapon.

Nag-inat ako ng mga kamay saka mahinang sinambit ang salitang...

"Open Menu."

Biglang nagkaroon ng pixelated screen sa harapan ko saka naging holographic screen pagkatapos ng ilang segundo.

Verbal Settings, yun ang tawag sa control system ng larong ito. Sa pamamagitan ng pagsabi ng key commands, maaari mong magamit ang iyong mga menus, abilities at iba pa.

Tiningnan ko ang aking profile menu na nakalutang ngayon sa harapan ko sa holographic screen.

~

Name: Squain         
Level: 95
Race: Human
Class: Swordmaster 
Subclass: Tracker ( Lvl. 5 Mastery )
HP: 170,000/170,000
MP: 30,000/30,000
Exp: 0/900,000
Guild: None
Title: Lone Wolf
Current Location: Lagranda Marsh  

[ Stats ] [ Pets ] [ Abilities ]
[ Inventory ] [ Quests ] [ Friend List ]
[ Inbox ] [ Rankings ] [ Log out ]

~

Oo nga pala, nandito ako sa Lagranda Marsh para mag ipon o mag 'farm' ng materials na kailangan ko para makapag enhance ng aking sandata.

Nakaramdam ako ng may papunta sa'kin kaya agad kong na-close ang profile menu at lumingon para makita ang sumusugod na malaking halimaw na gawa sa putik at batong nilulumutan na, isang Marsh Golem. Nakalimutan ko tuloy na aggressive pala ang mobs sa area na ito.

Napabunot ako ng ang aking nakasukbit na dual swords sa belt at inabangan ang papuntang kalaban.

Marsh Golem ( Lvl. 93 )
HP: 30,000/30,000

Nakita ko na lumulutang sa taas ng ulo niya ang mga letra at numerong yun. Ngumisi ako habang nakatingin sa total HP niya, ilang 'basic attacks' ko lang ang mokong na'to.

Nung ilang pulgada nalang ang pagitan namin ay iwinasiwas ko na ang dalawang manipis na espada na hawak ko sa kanya.

Ang class ko na Swordmaster ay isa sa mga rare classes sa larong ito, dahil hindi ito konektado sa main classes at pinaghirapan ko talaga para makuha ang class na'to. Taglay ng class na ito ang pambihirang bilis sa pag galaw at atake, dahil mataas ang agility at critical chance nito.

Agad na namatay at nagkawatak-watak ang katawan ng halimaw sa lupa sa loob lamang ng tatlong segundo, tatlong slash kasi ang magagawa ko sa isang segundo. Ni hindi lang yun naka execute ng atake niya dahil sa bilis ng chained attacks ko.

1,115 Exp, 20 silver coins and 55 copper coins earned.
2 Mucked Vines earned.

Yan ang lumutang na pixelated texts mula sa labi ng Marsh Golem.

Napabuntong hininga ako at iginala ang tingin sa paligid, maraming gumagalang mobs sa paligid pero medyo malayo naman sila para pansinin ako. Puro mobs lang ang nandito, walang ibang players.

Medievus OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon