Chapter Two

1.5K 46 0
                                    

"Ows, di nga?"

"Baka naman nangangarap ka lang nun?"

Napangiwi si Kristalyn sa mga nakuhang comment kina Desiree at Shalani.

Ikinwento nya kasi sa mga ito ang pagkausap sa kanya ni Calvin.

"Sabihin mo, gising ka ba talaga ng mangyari yan?" sabi pa ni Desiree.

"Anong palagay nyo sa akin, sinungaling?"

"Oy, wala kaming sinasabing ganyan. Di ba, Dhey?"

"Oo nga. Nagsisiguro lang kami na hindi ka lang nangangarap."

"How I wish nangangarap lang ako ng mga panahong iyon. At least hindi totoong tinakbuhan ko sya."

"Sigurado na ito Shalani. Nangangarap na naman ang babaeng 'to."

"Hoy, Kristalyn! Gumising ka na sa kahibangan mo!"

Napasimangot sya. "Ano ba kayo, totoo nga ito, eh! Ano'ng gagawin ko?  Siguradong bad shot agad ako sa nangyari kahapon. Baka galit na sya sa akin dahil bigla nalang akong umalis pagkatapos nya akong kausapin ng matino. Hindi pwede. Ni hindi pa nga bako nakakapagpacute sa kanya eh. Baka hindi na nya ako kausapin pa. Ayoko! Hindi pwede--aray!"

Binatukan sya ni Desiree.

"Nakakarami ka na ah!"

"Ginigising lang kita. Nawawala ka na naman sa tamang pag iisip."

"Korek! Saka maghunusdili ka nga dyan, Kristalyn. Nakakahiya sa mga makakarinig sa pag eemo mo dyan."

"Bakit ba masyado kayong kontrabida sa pag ibig ko?"

"Ano'ng kontrabida ka dyan? Ano sa tingin mo ang ibig sabihin ng pagsama namin sa'yo sa gym paralang makasilay ka?" ani Desiree.

"Oo nga. Saka mahirap din kayang tiisin ang mga problema mo dyan sa sinasabi mong pag ibig. Lalo na ang paggising sayo dyan sa pangangarap mo,"sabi naman ni Shalani.

Agad naman siyang nakunsensya. Papunta nga naman sila ng gym para samahan siya ng mga ito na manood ng practice game nina Calvin.

"Oo na. Mga mabubuti ko na kayong mga kaibigan."

"Wait. Dumaan muna tayong canteen at nagugutom ako."

"Gutom ka na naman, Shalani? Kakakain mo lang ah!"

Umirap ito sa kanya. "Sa nagugutom ulit ako eh."

"Hay, kain ka ng kain, hindi ka naman tumataba. Madami ka sigurong bulate sa tiyan?" buska dito ni Desiree.

CALVIN : Fantasy of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon