Chapter Four

1.3K 36 2
                                    

CHAPTER FOUR


'TUTUTUT-TUTUT-TUTUTUT'

Hinagilap ni Kristalyn ang tumutunog na cellphone.

'Gudmorning! My form maya ang CAT volunteers. Kitakits ha?'

Muntik na syang mabulunan ng makita ang sender.

Si Calvin!

Oo. May number na sya ni Calvin! Nagpalitan sila ng numero nang sinamahan sya nitong maglinis noong Intrams.

'Gudmorning din. Cge kita n lng tau maya. Tnx s pagsa2bi,' agad n reply nya.

"O, ano'ng nginingiti-ngiti mo dyan?" tanong ng nanay nyang kasalo nya sa almusal ng umagang iyon. Katatapos lang nitong sermonan ang kuya nya kaya badtrip pa ito.

"'Di naman po ako nakangiti, 'nay," yumuko sya para itago ang ngiti at maganang kumain.

Tumunog muli ang message alert tone nya.

'Welcum. Basta ikw. Pacnxa nga pla ngaun lng ako nkpgtxt. Bc kc eh.'

Muli syang napangiti. Umaga palang pero binubuo na nito ang araw nya.

'Ok lng un. At least ngtxt k ngaun.'

"Sino ba yang katext mo at ngisi ka ng ngisi diyan?" singit ng kuya Karlo nya sabay hablot sa cellphone nya.

"Kuya!" Napatayo na sya at pilit na inaagaw dito ang aparato.

"Sino'ng Calvin 'to ha? Boyfriend mo 'to no?"

'How I wish!'

"Ano? Hindi kaya!"

"Nay o! Si Lyn-lyn, may boyfriend na." saktong tumunog ang message alert tone nang iabot nito sa nanay nila ang cellphone.

"Nay, hindi ko boyfriend yan!"

"Manahimik nga kayo!" inis na singhal ng ina. "Ikaw Karlo, pag aaral mo ang atupagin mo. Puro ka dota! At ikaw Lyn-lyn, bata ka pa para magboyfriend. Huwag ninyong sayangin ang pagpapakahirap ng ama nyo sa Dubai!"

Kakamot kamot ng ulong bumalik sa upuan si Karlo. "Hay, eto na naman po kami."

Sya naman ay kinuha ang cellphone. Mabuti nalang at hindi tinignan ng ina ang text ni Calvin. Busy kasi ito sa panenermon.

'Kinuha ko number mo. Kya xempre mgttxt ako. Ano gingwa mo nyan?'

Muli syang napangiti ng matamis ng mabasa ang reply ni Calvin.

"Kumakain Lyn-lyn. Gusto mo'ng ibato ko yang cellphone mo?"

"Sandali lang, 'nay." Agad syang nagreply dito.

'Kumakain, ikw b? Cge, ma2ya n lng...'

"Kristalyn!"

Nagulat sya sa sigaw ng nanay nya kaya agad nya iyong naisend.

"Ito na 'nay," sabay bitaw sa cellphone.

Nagsimula na namang manermon ang nanay nila.

Okay lang sa kanya. Nakangiti pa sya habang maganang kumakain.

'Nobody can ruin my day!'

Inihatid na sya ng kuya Karlo nya sa school. Araw araw ay hinahatid sya nito gamit ang motorbike nila bago ito tumuloy sa kolehiyong pinapasukan.

CALVIN : Fantasy of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon