Chapter Eleven

1.4K 40 1
                                    

CHAPTER ELEVEN

"KUYA, saan ka pupunta?" takang tanong ni Kristalyn. Matapos kasi siyang ibaba ng kapatid sa tapat ng bahay nila ay mukhang lalarga na naman ito.

Galing sila sa botique ng hapong iyon para makapamili siya ng gagamiting halloween costume.

Nakita pa nga nila doon si Yvonne. Mukhang magkakilala na ito at ang kuya niya base sa tinginan ng mga ito. Matalim ang tingin ni Yvonne sa kuya Karlo niya samantalang pilyo naman ang sa lalaki.

Nagsagutan pa nga ang dalawa sa botique...

'O, pati ba naman dito sinusundan mo ako?' anang kuya niya.

'Ah, excuse me? Kilala ba kita?' taas ang isang kilay na sabi ni Yvonne.

'Malamang. Kinakausap mo ako eh.'

Lalo namang nanggigil si Yvonne sa narinig. 'Ikaw kaya ang kumakausap sa akin!'

'Hindi mo kailangang isigaw. Naririnig kita.'

Inis na bumaling sa kanya sa kanya ang babae. Natigilan ito. 'Kristalyn, bakit mo kasama ang unggoy na ito?'

'Napakagwapo ko namang unggoy.'

'Shut up! Hindi ikaw ang kinakausap ko!'...


"Makikipagbasketball" tipid na sagot ng kuya Karlo niya na nakapagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

"Basketball? Kelan ka pa natutong magbasketball, kuya?"

"Basta. Huwag ka nang matanong. May laban kami ngayon. Ayokong malate baka matalo ang team namin."

Tinaasan niya ng kilay ang kayabangan ng kapatid. "Di nga? Baka makikipagdota ka lang?"

"Magbabasketball ako," giit nito. "Itanong mo pa kay Calvin. Sige. Ipagpaalam mo na lang ako kay nanay." Pinaandar na nito ang motorbike.

Naiwan siyang natitigilan.

Mukhang tinotoo nga ni Calvin ang sinabing hahanap na lang ito ng ibang mapaglilibangan kasama ang kuya niya.
------------------

HALLOWEEN PARTY...

"Black lady!"

"Miss Vampire!"

Napalingon si Kristalyn sa mga pamilyar na boses na iyon.

Sina Desiree at Shalani ang palapit sa kinauupuan niya. Nakasuot ang mga ito ng matitingkad na damit gaya ng sa fairy. Taliwas sa kasuotan niya.

Itim na itim ang bestidang suot niya. Pati suot na sapatos at kuko ay itim din. Ang itim at mahabang buhok niya ay nakalugay habang makapal ang eyeliner at mascara. Pulang pula naman ang labi niya sa lipstick. Kaya mapagkakamalan talaga siyang bampira.

Bagay naman sa kanya ang itim sa mga panahong iyon dahil nagluluksa siya sa kinahinatnan ng pag-ibig kay Calvin.

"Kayo pala," aniya ng tuluyang makalapit ang mga ito.

"Bakit naman all black ka?"

"Oo nga. Dapat nakigaya ka na lang sa amin ni Desiree na fairy ang costume."

"Wala na kasi akong ibang costume na naabutan sa botique." Isa pa iyon kaya naka all black siya. Naubusan siya ng halloween costume dahil late na siyang namili.

"Ganun ba? Nga pala, nakita namin si Mr. Pappable MVP kanina," balita ni Shalani.

"Oo nga. Actually, bagay kayo, eh. Naka-all black din siya," ani Desiree.

CALVIN : Fantasy of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon