Chapter Nine

1.3K 40 1
                                    

CHAPTER NINE

"PAGPASENSIYAHAN mo na ang mga kaibigan ko. Wala lang mapagtripan ang mga iyon."

Kailangan munang bumilang ng ilang sandali bago nagsink sa utak ni Kristalyn ang sinabi ni Calvin.

"A-ayos lang yun..."

"O, LT. Nandito ka lang pala."

Sabay silang napalingon ni Calvin sa papalapit na sina Yvonne at Gia.

"Kanina ka pa namin hinahanap, Calvin," ani Gia. "Pasensiya na kung nakaabala kami."

May panunudyo sa mga matang tumingin ang dalawa sa magkahawak nilang kamay.

Nahiya naman siya kaya binawi niya ang palad. Pinakawalan naman nito iyon.

'Ba't mo ako pinakawalan?' Napatingin siya sa mukha ni Calvin. Nakatingin ito sa dalawang babae.

"Bakit ninyo ako hinahanap?"

"It's about our project. Kailangan na nating magpractice para sa role play natin," nakangiting sabi ni Gia dito.

"Ganoon ba?"

Tila may kumurot sa puso ni Kristalyn nang makitang nakatingin ng deretso si Calvin kay Gia. Gumanti din ito ng ngiti sa babae.

Nagseselos siya.

'Ano ka ba Kristalyn. Wala kang karapatang magselos!' Isa pa ay mas maganda naman talaga sa kanya si Gia.

"Kristalyn, pwede ba naming mahiram sandali si LT?"

Napatingin siya kay Yvonne. "O-oo naman. Hindi na ninyo kailangang ipagpaalam sa akin si Calvin." Sino ba naman siya? Isa lang siyang hamak na little sister para dito.

"Sige, Yvonne, Gia. Susunod na lang ako," narinig niyang sabi ni Calvin.

Nagpaalam na ang mga ito at iniwan na sila.

Malamang hindi na siya maihatid ni Calvin dahil gagawa ito ng project kasama ng mga kaklase nito... Kasama si Gia! Sabagay, mas bagay naman talaga ang dalawa.

Wala silang imikan habang papunta sa classroom niya.

Tumahimik lang ito na lalong nagbigay ng bigat sa puso niya.

'Hanggang pangarap nga lang yata kita Calvin. Sana naman huwag mo na akong bigyan ng false hopes. Sana hindi ka nalang nakipaglapit sa akin. Sana hindi mo nalang ako laging tinutulungan.. Tulad ngayon. Para naman hindi lalong nahuhulog ang puso ko sa iyo.'

Hindi niya namalayang nasa tapat na sila ng classroom niya.

"Kris..." tawag sa kanya ni Calvin.

'Oo! Alam ko na! Hindi mo na kailangang ipamukha na hindi mo na ako maiihatid!'

Lumunok muna siya ng laway bago sumagot.

"Sige na, Calvin. Punta ka na sa mga classmate mo," aniya na kinuha dito ang timbang may tubig.

Hindi naman nito iyon ibinigay. Bagkus ay dinala at inilapag nito iyon sa tabi ng pintuan ng classroom niya. Bago siya binalikan.

"Itext mo ako kapag uuwi ka na. Ihahatid pa rin kita."

Gusto niyang kiligin pero hindi pa rin nawawala ang tampo niya.

"Hindi na Calvin. Mas kailangan ka sa project ninyo." 'Bakit ba ihahatid mo pa ako? Hindi ba little sister lang ako para sa iyo?' Nagkunwari siyang tinitingnan ang mga kaklaseng nagsisimula nang maglinis.

"Nasabi ko na kay kuya Karlo na ihahatid kita pauwi."

'Iyon lang?' Lalong nagmukmok ang puso niya.

"Wag mong intindihin si kuya. Wala lang magawa sa buhay iyon. Sige na. Pumunta ka na."

"May nagawa ba akong mali, Kris?"

Natigilan naman siya. Wala siyang mahagilap na isasagot. Masasabi niya ba ditong nagselos siya ng ngitian at tingnan nito si Gia? Syempre'y hindi. Wala siyang lakas ng loob.

"W-wala..." mahinang nasambit nalang niya.

"Kung ganoon, ihahatid kita, please?"

"B-bakit ba gustung gusto mo akong ihatid?"

"Gusto ko lang masigurong makakauwi ka ng ligtas."

"Itetext na lang kita kapag nakauwi na ako."

"Gusto kong ihatid ka, Kris," he said firmly. Para bang hindi mababago ng kung ano mang palusot niya ang pasya nito.

Natigilan siya at napatingin sa mukha nito. There's eagerness on his face. Heto na naman ang titig nitong nakapagpalambot sa tuhod niya at nakapagpapawala sa kanya sa sarili.

"Ihahatid kita, please?" kinuha pa nito ang kamay niya at mahigpit na hinawakan iyon.

Wala sa loob na napatango na lang siya. Nawalan na naman kasi ng laman ang utak niya. Ang puso niya na naman ang active ngayon.

'Syet, Calvin! Ano ba itong ginagawa mo sa akin!'

Nakalimutan na niya kung ano'ng ipinagtatampo niya at kung bakit siya nagtatampo.

Ngumiti ito. "Hihintayin kita sa gate mamaya. Kapag hindi mo ako naabutan doon, itext mo nalang ako and I'll be there." Pinisil pa nito ang palad niya. Libo libong boltahe ng kuryente ang inihahatid niyon sa kanya.

Napatango na lang ulit siya.

Hindi niya namalayang wala na ito sa harapan niya.

"Hay, pag-ibig. Ayan, nakakabaliw," si Desiree iyon na kalalapit lang sa kanya.

Iwinagayway naman ni Shalani ang kamay s tapat ng mukha niya. "Tulala na naman ito, Dhey. Ano'ng gagawin natin ngayon para magising 'to?"

"Ibuhos mo na lang sa kanya 'yang tubig, Shalani."

-------------------------------

Napaigtad si Kristalyn nang may bumusina sa likuran niya. Napalingon siya sa may gawa niyon.

At muntik ng malaglag ang panga niya nang makilala kung sino iyon.

"Kris, uuwi ka na ba? Di ba sabi ko itext mo ako kapag hindi mo ako naabutan sa gate?"

"Ah, Calvin...k-kasi..." Nasaan na ba ang utak niya? Naglakwatsa na naman yata ngayong nasa harapan niyang muli si Calvin.

Nag-aabang na siya noon sa kalsada ng masasakyan pauwi. Hindi niya ito naabutan sa gate at nakahiyaan na niyang abalahin pa para lang maihatid siya.

Nakita niyang napailing ito.

"Nevermind. Sakay na." Hinatak pa siya nito palapit.

Wala siyang nagawa kundi tumalima.

"Bakit hindi mo ako tinext? Naghintay ka pa tuloy."

Mabagal lang ang patakbo nito sa motorbike kaya dinig na dinig niya ang sinabi nito.

"Ah, b-baka kasi busy ka."

"Hindi ako busy. Kanina ko pa hinihintay ang text mo."

"G-galit ka ba, Calvin?" 'Oh no! Sorry na!'

Saglit na natigilan ito. "Hindi. Nagpapaliwanag lang."

Nakahinga ng maluwag si Kristalyn.

"Hindi ba magpapractice kayo ng play para sa project ninyo?"

"Yap. Wala pa naman ako sa scene kaya okay lang na mawala muna ako doon." Masigla na ang boses ni Calvin na lalong nakapagpasaya sa kanya.

"Ano ba'ng role mo doon? Siguro ikaw ang prince noh?"

Kita niya sa side mirror ang paglawak ng ngiti nito. "Actually, ako ang palaka."

"Ano?" 'Sino bang direktor ninyo at nang makalbo!'

Tumawa naman ito. Saka niya napagtantong nagbibiro lamang ito.

Nahawa na rin siya sa tawa nito.

"Ikaw ang prince, di ba?" hindi siya makakatulog hangga't hindi ito ang nagiging prinsipe sa play ng mga ito.

"Yap. Ako nga."

Lihim na pumalakpak ang tenga niya sa narinig.

'Prinsipe ka talaga, Calvin! Prinsipe ka ng buhay ko!'

"Sabi ko na nga ba."

Napakagaan ng pakiramdam niya. Para bang wala siyang pinoproblema. Feeling niya tuloy ay silang dalawa lang ni Calvin ang nasa ibabaw ng mundo.

Nagkukwentuhan at nagtatawanan silang dalawa habang nasa daan.

Kung hindi pa inihinto ni Calvin ang motorbike ay hindi niya mamamalayang nasa tapat na pala sila ng bahay nila.

Inalalayan siya nito sa pagbaba habang hawak ang kamay niya.

"Hindi na ako makakapasok, Kris. Babalik pa kasi ako sa school," sabi nito na hindi pa din binibitiwan ang kamay niya. "Pakisabi na lang kay mommy Teri na dumaan ako."

"S-sige." 'Calvin! Bitiwan mo na ang kamay ko baka mahatak pa kita papasok ng bahay namin!' "Ingat ka na lang sa pagdadrive."

Ilang saglit muna siya nitong tinitigan. Hindi niya mabasa ang emosyong nasa mata nito. Ang alam lang niya ay nanunuot ang titig nito sa kanyang kaibuturan. Para bang kapag kumurap ito ay mawawala siya sa paningin nito.

Gusto niyang isipin na may gusto itong sabihin o gawin na hindi nito magawa.

"Ah, C-Calvin. Sige na, pumunta ka na." Hindi na kasi siya makakatagal sa titig nito. Nagsisimula nang manlambot ang mga tuhod niya.

Bumuntong hininga ito. Pagkuwa'y ngumiti at pinisil ang palad niya. Hindi pa nakuntento at kinurot pa ang pisngi niya.

"Sige. See you tomorrow."

--------------------------

KANINA pa hindi mapakali si Kristalyn sa kinauupuan. Lahat kasi halos ng mga babae doon ay masama ang tingin sa kanya.

Nasa theater sila ng pinapasukang high school. Doon kasi gaganapin ang role play nina Calvin. Open sa lahat ang palabas kaya punung puno ng tagahanga ni Calvin ang silid.

"Oy, Kristalyn. Hindi pa ba magsisimula ang palabas nina Calvin?" kinalabit siya ni Desiree.

"Teka, Dhey. Kadadating lang natin dito ah. Atat ka naman masyado."

"Excuse me, Shalani. Ten minutes na tayo dito."

"'Sungit mo yata ngayon, Dhey?" puna niya dito. "May dalaw ka ba ngayon?"

"Wala. Bwisit kasing Glen na 'yun eh. Kanina pa tingin ng tingin at ngiti ng ngiti sa akin. Akala mo, kung sino'ng gwapo. Hmp!" inis na sabi nito na tinapunan ng masamang tingin ang lalakeng nasa gilid ng stage.

Hindi na natuloy ang kwentuhan nila dahil in-anounce na na magsisimula na ang play. Nabaling ang pansin nila sa stage.

Snow White pala ang tema ng role play ng mga ito.
Lumabas sa stage si Gia. Napakaganda nito sa suot na Snow White gown. Lalong lumitaw ang pagkamaputi nito. Binagayan pa ng make up ang maamong mukha nito.

Natigilan siya.

Hindi ba't makakakain si Snow White ng may lasong mansanas at ang halik lang ng prinsipe ang makakapagpagising dito?

Ang problema, si Calvin nga pala ang prinsipeng iyon!

CALVIN : Fantasy of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon