Chapter Three

1.4K 46 0
                                    

Naging busy si Kristalyn pagsapit ng Intramurals. Classroom officer din kasi sya aside from being newspaper staff. Idagdag pa ang mga teacher nya na utos ng utos sa kanya. Wala yatang ibang nakikita ang mga ito kung hindi sya.

"Miss Quiroz, alam mo kung saan ang room ni Sir Palaez. Dalhin mo muna ito."

"Samahan mo muna sa dressing room ang muse natin, Miss Quiroz."

"Kristalyn, pakidaan ako ng miryenda sa canteen."

"Miss Quiroz, pakitingin mo muna ang mga decorations natin kung kumpleto na."

"Kristalyn, pakitawag muna si Cherry." muse nila si Cherry.

"Miss Quiroz, hawakan mo muna itong banner."

Iyon ang huling utos na natanggap nya sa kung sinu-sinong teacher ng umagang iyon. Wala pa tuloy sa kalahatian ng programa ay pagod na sya.

May nakita syang pwedeng upuan sa isang sulok ng plantbox. Maganda ang pwesto na iyon dahil nakaharap sa stage at hindi pa gaanong pansinin. Doon ay pansamantalang makakapagtago sya sa mga utos ng mga guro. Umupo sya doon. Kailangan na rin kasi nyang manood ng programa. Mr.&Ms. Intramurals na at ito ang natoka sa kanyang gawan ng report.

Year by year ang labanan. Kanya kanyang kulay ang pagkakakilanlan. Rumampa paikot ng quadrangle ang

kalahok ng First year, nakayellow ang mga ito. Followed by second year, blue team. Red team sila at Green naman ang fourth year.

Abala sya sa pagte take down ng mga impormasyong sinasabi ng emcee kaya hindi na nya nakuhang lingunin ang kung sinong tumabi sa kanya. Siguro ay isang estudyante lamang na nakakita ng magandang pwesto sa tabi nya.

'Nasaan kaya si Calvin? Kanina ko pa sya hindi nakikita,' saisip nya habang umiikot ang mata sa paligid. Ngunit hindi nya ito maispatan. 'Dapat nandito lang sya para makuhanan ng pictures ang mga candidates.'  Kandahaba ang leeg nya sa pagtanaw sa mga fourth year students. Nagbabakasakaling makita ito doon.


'Calvin, makita lang kita ngayon, buo na ang araw ko.'

"Sino'ng hinahanap mo? Kelangan mo ng tulong?"

Napatuwid ang likod nya ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Unti unti syang lumingon sa katabi.

"C-Calvin?"

Kandahaba din ang leeg nito sa pagtanaw sa tinatanaw nya kanina. Tumingin ito sa kanya.

"Hi! Sino na'ng hinahanap mo? Tulungan na kitang maghanap," ngumiti ito sa kanya.

"I-ikaw."

"Ha?"

"Ah, eh.. I... I mean, i-ikaw? K-kung gusto mo ba'ng tulungan a-ako eh," alanganing ngumiti sya. 'Ano ba namang bibig 'to. Muntik na akong mabuko! Act normal... Act normal'

CALVIN : Fantasy of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon