chap7

36 1 0
                                    

JACE POV 

Inagaw ko yung popcorn kay kuya at kinain ng kinain. Kala mo ha. Kanina kasi sa sinehan ayaw niya ko bigyan ng popcorn. Hmmp! 

Ngayon naglalakad na kami sa napakalaking loob ng moa. Nakakagutom maglakad lakad dito pano ang laki laki. 

     " kain na tayo kuya " sabi ko at binangga ang braso niya 

     " di ka pa nabusog diyan? " tanong niya 

     " bahala ka na nga. Ako na lang kakain mag isa " sabi ko saka naglakad sa ibang direksyon 

     " ito naman di mabiro. Okay " sabi niya saka ako hinawakan sa braso at naglakad na kami kung saan 

Napatingin ako sa gilid kasi may naamoy akong mabango. Siomai! Inikot ko yung kamay ko at ako yung humawak sa kanya. 

     " san tayo pupunta? " tanong niya habang nagalalakad kami papunta dun 

     " gusto ko ng siomai " sabi ko saka nginuso yun 

     " mas magugustuhan mo yung pupuntahan natin. Cmon " 

Wala na kong nagawa nang maglakad na kami pabalik. Hay... Gusto ko talaga nung siomai. 

     " san ba yun? " tanong ko habang palingon lingon 

     " be patient leprechaun " 

Hmp! Di na lang ako kumibo hanggang sa huminto kami sa isang restaurant. Kakaiba yung pangalan di ko nga mabasa eh. Di ko mabasa kaya di ko na inalam pa. Pumasok na kami at inassist kami ng isang tao na nakauniform ng pang waiter. 

Dinala kami sa gitna ng resto at pinaupo na. 

Ang ganda dito May chandelier pa katulad nung kay kuya tapos may maririnig kang nakakarelax na music galing sa kung saan at syempre tahimik. Hnmm sosyal... Kakasawa din maging sosyal gaya ng pag attend namin sa party ng mga kaibigan ni papa yung iba kasi mayaman nga gaspang naman ng ugali plastic pa. 

Kailangan mo talaga makibagay kahit ayaw mo naman talaga. Mayayaman na taong dapat ngitian kahit di ka naman talaga natutuwa. Kami kasi ni kuya kahit may kaya kami di kami pinalaking utos lang utos. Kami ang gumagawa ng gawain sa bahay dahil yun ang patakaran ni papa at mama. For short di kami pinalaki sa luho at kayamanan. 

Inabutan kami ng meñu at binasa ko naman. Hay naku hirap basahin ah! Ano bang lenggwahe to?! 

     " ikaw na umorder para sakin kuya. Di ko maintindihan " sabi ko tumawa lang siya at sinabi na yung order namin 

Pagkatapos umalis na yung lalake at nagpunta na sa kung saan. Masarap kaya pagkain dito? I bet mas masarap ang pagkain sa resto ni kuya ko. Haha! 

Maya maya may lumapit samin tapos nilagay na sa lamesa namin yung pagkain. Ano to?! Okay. Mukang masarap. 

Kinuha ko yung knife at fork at humiwa ng isang portion ng beef na may kung anong masarap na sauce. 

     " so how's the taste? " nakangiting tanong ni kuya habang nakatingin sakin 

     " masarap " yun lang yung nasabi ko at kumain na ng kumain 

Para akong engot kasi di lang naman ako ngayon nakakain sa ganitong lugar pero mukang first time ko. Haha! Halos araw araw nga akong pwede pumunta sa resto ni kuya na halos kapareho lang nito eh pero kasi masarap nga. 

     " dude " 

Di ko pinansin yung nagsalita basta kain lang ako ng kain. 

     " long time no see pare " 

My tubby jaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon