chap20

76 0 0
                                    

ZETH POV 

     " ano ba?! Akala ko magiging masaya ako pero lalo lang gumulo eh. Nakakasawa rin pala " 

Dalawang araw nang paulit ulit ang salitang yan sa ulo ko at dalawang araw na rin kaming hindi nag uusap. 

Kasalanan ko nga talaga siguro. 

Nung gabing yun hindi ako umalis sa tapat ng bahay nila hanggang sa dumating si harry. Kinausap niya ko pero sa sobrang inis ko nasuntok ko na lang siya. Sarili kong pinsan tinalo ko? Tsk! Tama si jace pinsan ko siya at mas matanda siya sakin pero nakalimutan ko yun dahil sa pagseselos ko. 

Nagalit nga sakin pati si mama ang sabi niya bakit ko daw ginawa yun. Makitid daw utak ko. Ilang beses ko ba narinig yun? Sinabi rin sakin ni jace yun eh. 

Jace... Namimiss ko na siya sobra. Pinuntahan ko siya kahapon pero hindi niya ko kinausap. Galit pala talaga siya sakin. 

Pagkatapos niyang sabihin yun parang nag flashback sakin lahat. Lahat ng sinabi at ginawa ko. Ako pala talaga yung mali. Kitid nga ng utak ko. Kainis! 

Nagsasawa na siya? Hindi pwede. Hindi pwedeng ganito na lang kami. Hindi ko kaya. Dinampot ko yung susi ko at lumabas na ng bahay. 

Gusto ko siyang makausap at mag uusap kami kasi ayokong matulala araw araw kakaisip kung ano bang dapat kong gawin kausapin niya lang ako. 

Ang hirap pala kapag galit siya sakin. Pakiramdam ko walang buhay ang bawat oras na lumilipas. Tsk! Naiinis ako sa sarili ko dahil alam ko nasaktan ko siya dahil sa ginawa ko. 

Lumiko ako at pumasok sa village nila. Alam ko galit pa rin siya pero hindi ko na kasi kaya. Dalawang araw ko siyang tinatawagan pero laging nakapatay ang phone niya.

Pumarada ako sa harap ng bahay nila at nagdoorbell. Sana hindi siya yung magbukas dahil alam kong hindi niya ko papapasukin.  

Maya maya lumabas si kuya paul at si ate betina. Binuksan ni kuya yung gate at tumango sakin. Nung nakaraan kinausap niya ko at ang sabi niya hindi daw dapat ako padalos dalos sa mga gagawin ko kaya ayun naliwanagan naman ako. 

     " si jace? " tanong ko habang naglalakad kami papasok 

Di na siya nagsalita at tinuro na lang yung kwarto niya sa taas. Lagi naman siyang nasa kwarto kaya alam kong nakaupo lang yun o kaya tulog.

Ngumiti lang ako sa kanilang dalawa at umakyat na. Dahan dahan pa ko hanggang sa makarating na ko. Katok. Katok.... Hinanda ko yung sarili ko habang bumubukas yung pinto. 

     " kuya may gi-- wala si jace dito " sabi niya tsaka sinara ulit yung pinto 

Di ba? Kumatok pa ko ulit pero wala nang sagot. Ano bang dapat kong gawin? 

     " jace sorry na. Kausapin mo naman ako o magpapaliwanag ako please " 

Nang bumukas yung pinto napangiti ako pero nawala rin agad nang makita kong nakasimangot siya.

     " sige magpaliwanag ka. One minute. Start ... Fifthy nine, fifthy eight, fifthy seven --- " 

     " ang ikli naman " sabi ko pa 

     " forthy one , thirty nine , thirty eight --- " 

     " jace please naman o. Kausapin mo naman ako ng maayos " 

Huminto siya at tumingin sakin. Nanlilisik yung mata niya sa inis. Hala? 

     " nung gabing tumawag ka sakin di mo naman ako pinakinggan tapos ngayon sasabihin mong kausapin kita ng maayos? Aba maaga pa para sa pasko zeth. Alam mo dapat nga di na kita kinakausap pero ito ako nandito. Ano bang gusto mong maging reaksyon ko sa ginawa mo? Matuwa? Di naman ako baliw no " 

My tubby jaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon