chap12

25 1 0
                                    

ZETH POV 

Nagalit ba siya dahil sa pang aasar ko? Kanina pa kasi siya tahimik simula pa lang nung klase. 

Pasimple akong tinapik ni heath at nilingon ko naman siya. 

     " mag kaaway kayo? " bulong niya 

     " ewan ko. Inasar ko lang naman kanina tapos naging ganyan na " sagot ko 

     " ano bang sabi mo? "  

     " sabi ko muka siyang blanket " 

Humagikgik siya at tinakpan ang bibig niya napatingin kasi samin si euna. Ngumiti lang ako at umayos na ng upo. 

Nakakainis naman di pa nga ako sinasagot eh ginalit ko na. Pano na ko niyan? Binuhat na ni sir yung folder at bag niya at nagpaalam na. Three hours kaming nakaupo dito nakakapagod din ha. 

Nilingon ko si jace. Nauna na siyang lumabas ng room kaya alam ko galit nga. Kainis naman! Di na ko tumingin kila heath at hinabol na lang si jace. San nagsuot yun? 

Lumiko ako hanggang sa makalabas ako ng campus. Ayun! Tumakbo na ko at naabutan ko naman siya. 

     " jace galit ka ba? " tanong ko habang naglalakad kami sa kalsada 

     " jace sorry. Kausapin mo naman ako " sabi ko ulit pero patuloy lang siya sa paglakad 

     " eh gusto ko lang naman mapansin mo ko kaya inaasar kita. Sorry na " 

Wala pa rin? Maya maya tumawid siya kaya tumawid din ako pero nauna siya kaya nagmadali ako. Di ko napansing may motor pala na padaan kaya humarurot yun at muntik na kong matamaan. 

     " zeth! Okay ka lang ba? " hinihingal niyang tanong pagkatapos niya ko hilahin sa tabi 

     " ano ba?! Magsalita ka nga! May natamaan ba? Zeth! " 

Nakikita kong takot na takot yung reaksyon niya at hinihingal dahil sa kanina. Nag aalala siya sakin? 

     " okay naman ako jace " mahinahon kong sabi saka siya niyakap 

Bakit?! Narinig kong nahigit niya yung paghinga niya. Siguro nagulat. 

Ewan ko pero di ko na kasi napigilang yakapin siya kahit alam kong maraming tao dito. 

     " kailangang may yakap? " 

Agad ko siyang binitawan kasi nakakahiya naman. Para akong engot. 

     " di ko na kasi napigilan sorry " sabi ko saka ngumiti sa kanya 

Ganito na ba ako kabaliw sa kanya? Bakit ba kasi?! 

***** 

JACE POV 

Anong nangyayari sa kanya? Hinatid niya lang ako pauwi tapos umalis na. Nakasalubong ko si kuya at nakita kong nakangiti siya. Ano namang trip to? 

     " bakit ka nakangiti? " tanong ko 

     " ikaw bakit ka namumula? " 

Huh? Hinawakan ko yung pisngi ko at mainit yon. Hala? Umiling iling ako para mawala pero nahilo lang ako. 

     " kuya naman. Anong ulam? " sabi ko agad 

Natawa na lang siya at lumapit sakin. Hinawakan niya yung buhok ko at hinila yung tali ko kaya bumagsak yung buhok ko. Ayan nakalugay na. Kakairita. 

     " kuya yung buhok ko. Akin na yung tali ko " sabi ko saka inabot abot yung kamay niya 

     " napapansin ko gumaganda ang kapatid ko " nakangisi niyang sabi 

My tubby jaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon