chap10

29 1 0
                                    

JACE POV 

Tumakbo ako pababa at hinanap ang dalawang lalake ko. Haha! Si papa at kuya ko. Nakita ko silang nagkakape sa lanai kaya naglakad na lang ako papunta dun. 

     " gising ka na pala " sabi ni papa at pinaupo ako sa tabi niya 

     " napuyat ka ba dahil sa kakaisip sa manliligaw mo na iniisip kung ilang plato ba ng kanin ang kaya mong ubusin? " nakangising sabi ni kuya 

Narinig niya pala yung usapan namin kagabi. As in lahat. Kakahiya nga eh. Di ako nakasagot sa tanong niya at sabay pa silang tumawa. Aba! 

     " concern siya sa kinakain mo anak " natatawa pang sabi ni papa 

     " papa naman eh " 

Kumuha ako ng tinapay sa lamesa at kumain na lang. Hmp! Hindi naman ako mabubusog sa tinapay. 

     " dapat sinabi mong nakakalima ka ng plato ng kanin depende sa ulam " 

Talagang di ka titigil?! Binato ko si kuya ng tinapay at diretso yun tumama sa ilong niya. Haha! 

     " papa patigilin mo nga si kuya " sumbong ko pa 

     " what kind of rascals i have?! " sabi lang ni papa habang tumatawa 

Tumingin ako ng masama kay kuya at kumagat ng tinapay. 

     " at saka bakit ka kasi nakinig kagabi? Dapat natulog ka na lang " nanggigil kong sabi 

     " i dont wanna missed that for the world my lil' sis. My sister's gotta suitor? Pa alam mo bang namumula kagabi si ajae? Kinikilig pa ahahaha! " 

Hmmmp! Eps to! Tumayo na lang ako at naglakad pabalik sa kwarto ko. Bahala kayo diyan. Pagpasok ko sa kwarto biglang tumunog yung phone ko. Txt? Dinampot ko na lang yun at tinignan. 

     * good morning! Love you! * to zeth 

Napangiti na lang ako. Kumampay kampay yung paa ko sa sahig habang nag iisip kung bakit ba napakaswerte ko. 

Humarap ako sa salamin at tinignan ang sarili ko. Dinampot ko yung suklay at hinagod ang buhok ko na lagi kong tinatali kasi naiirita ako. Kamuka ko nga si mama pero mataba nga lang. 

Tumunog ulit yung phone ko kaya binuksan ko yun. 

     * i miss you friend! * to euna 

Hmp! Nagcompose ako ng message then sending... 

     * talaga lang ha? Eh halos di mo na nga ako mapansin dahil diyan sa prince charming mo * sent 

Wala pang isang minuto nang tumunog ulit. 

     * kaya nga namimiss kita. Ihhh sorry * reply niya 

     * nanliligaw ba? * ako 

     * buntis na nga ako eh * 

Nawindang ako sa reply niya kaya tumawag ako. Sinagot naman niya kaya sinigawan ko siya. 

     " anong sabi mo?! Ibabaon kita sa lupa babae ka! " asik ko 

     ( ahahaha joke lang. Ito naman. Oo nanliligaw nga pero sa next month sasagutin ko na para masaya ) 

Napatili na lang ako. Narinig kong tumili rin siya kaya nilayo ko sa tenga ko yung phone. 

     " ihhh kinikilig ako kakainis! " sabi ko 

     ( ako rin. Sobra. Pero kayo ni zeth? Huwag mo nang patagalin baka magsawa ahahaha! ) 

My tubby jaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon