chap15

28 1 0
                                    

JACE POV 

Sinundot sundot ako ni kuya sa tagiliran habang nasa loob kami ng opisina niya. Gusto ko nang kumain pero ayaw niya kong palabasin dito sa loob. 

     " gutom na ko kuya. Bakit mo ba ko dinala rito sa resto mo? " tanong ko ulit na pang limang beses na 

     " just wait ajae. Oooohhh lala lala  oohh lala lala " 

Napahagalpak na lang ako ng tawa habang nakatingin sa kanya. Mukang engot si kuya. Nagkukunwari kasi siyang may gitara siyang hawak at ginigitara ang tiyan niya tapos kumakanta ng kung ano. 

     " ang panget mo kuya! Ahahaha! Tama na! " sabi ko at humawak na sa tiyan ko 

Tumigil naman siya at hinimas himas ang ulo ko pababa sa buhok ko. Ayan na naman siya. Naglalambing na naman. 

     " do you really dont have an idea why did i bring you here? " tanong niya at tumingin ng diretso sakin 

Nagkibit balikat lang ako at ngumiti sa kanya.

     " five twenty one in the evening ajae that's the time " 

Di ko talaga siya maintindihan. Nagulat ako ng bigla niya kong pitikin sa noo at tumawa siya. 

     " i really love you sis. My ajae, leprechaun, blanket, pillow, reptile. Kahit ako pang pangalan ang itawag ko sayo ikaw pa rin ang nag iisa kong kapatid. Kiss me " tinapat niya pa sakin yung pisngi niya kaya nahintakutan ako 

     " yuck kuya. Ayoko nga " sabi ko saka umurong 

     " dont you remember? When you're still a kid you're always want to kiss me on my cheeks. Then kiss me sis " 

Unti unti akong lumapit sa kanya at humalik sa pisngi niya. Ihhh love ko yan! 

     " tama na incest na to " sabi ko pa 

Pinitik ulit niya ko sa noo at hinawakan ang kamay ko. Tumayo na kami at naglakad na palabas. Ayos makakakain na ko! 

Pagbukas ni kuya ng pinto nagulat ako nang biglang may pumutok na kung ano sa harap ko at may sumabay na malakas na music. 

Nang lumingon lingon ako nakita kong ang daming tao tapos nakita ko rin sina heath at euna. Si ninong, ninang at pati yung doktor ng pamilya namin. Yung iba hindi ko kilala siguro guest yun ni kuya. 

     " happy birthday alyssa jace " 

Napatingin ako sa nagsalita. Si papa! Birthday ko pala ngayon?! Bakit di ko naalala? Lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit at humalik sa ulo ko. 

     " makakalimutan ka na talaga anak " nangingiting sabi niya at hinawakan ang pisngi ko 

     " mana mana lang yan pa. Happy birthday sister ajae " niyakap din ako ni kuya at iniangat pa 

Nang bitawan na niya ko ngumiti ako sa kanya at tumingin ulit sa mga taong nasa paligid ko. Nakita kong nakangiti silang lahat habang nakatingin samin. 

Napayuko na lang ako at tinignan ang sarili ko. Napansin kong formal attire lang naman ang mga suot nila kaya hindi naman masyadong akward ang itsura ko. Buti di nila naisipang mag gown at mag tux. Haha! 

Maya maya pumunta si papa sa gitna at kinuha yung mic. Naku eto na ang center of attraction na sinasabi ko.

     " good evening ladies and gentlemen. As you can see my daughter is not aware of this celebration. I know its kinda weird because we all know that this is her own birthday but my daughter is very have a sharp mind " 

My tubby jaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon