Chapter 2

13 1 0
                                    

Chapter 2:

Still Ellyka's POV:

After ilang weeks, mas lalo pa kami naging close ni Christoff. Parati kasi syang sumasama sa amin nina Anne at Collie.

Nandito kami ngayon sa garden. Hindi namin kasama si Christoff. May inaasikaso sigurong iba.

Tapos na naman ang klase eh pero masyado pang maaga para umuwi kaya tumambay muna kami dito.

"Alam mo Yka, okay din si Christoff." biglang umimik si Anne.

"Huh? What do you mean?" tanong ko.

"Okay, Ako na ang sasagot. Hahaha. Ibig sabihin lang namin, mabait sya. Masarap kasama. Palakwento. palabiro." sagot ni Collie.

"Ahhh. So anong gusto nyong iparating?" tanong ko sa kanilang dalawa with matching kunot ng noo. Hindi ko sila ma-gets eh. Haha. Sorry, slow.

"Gusto lang namin malaman kung handa na ba ulit yang puso mong magmahal? Okay na ba? Hindi na kumikirot sa dating minamahal?" tanong ni Anne.

"Alam nyo girls, every night, naiisip ko pa din sya. Tanda nyo ba nung isang araw na nagkita tayo na malungkot ako? Yung after natin mag shopping at kumain?" tanong ko sa kanila.

"Hmm. Yeeees?" Anne.

"So anong meron nung araw na yon?" Collie.

Nakatingin lang ako sa kalangitan. "Naaalala ko sya nun. Nung nasa bahay ako, naka-titig lang ako sa ceiling at lahat ng memories namin bumabalik. Sobra pa akong nasaktan nun. Mahal ko pa sya nun e." kwento ko sa kanila habang nakangiti na naiiyak.

"Eh ngayon? Nasasaktan ka pa rin ba pag naaalala mo sya?" tanong ni Collie.

Pinagpatuloy ko lang ang pagkekwento ko...

"Nung ginising ako ng mommy, nalaman nya na umiyak ako nung gabi kasi yapos yapos ko yung picture frame na may picture nya tapos pugto pa mata ko nun..."

Bago ko ipinagpatuloy yung kinekwento ko, pinunasan ko muna yung luha ko.

Nilapitan ako nina Collie at Anne tapos niyakap nila ako.

"Tinanong nya ko nun... Sabi nya, "Namimiss mo sya noh? Masakit pa rin ba?""

"Sabi nya pa sa'kin nun, "Ganyan talaga Yka. Pag nagmamahal ka, hindi puro saya ang dadating sa buhay mo. May sakit din yan. Bakit hindi mo subukan na magmahal ulit? Subukan mong buksan muli ang puso mo para sa iba. Wag mong isara yan sa taong alam mong hindi na babalik sa'yo.""

Napaiyak na naman ako. Hindi ko na naman napigilan.

Pinunasan ni Anne ang luha ko. Nakapikit na ko nun habang umiiyak.

"Mahal mo pa rin talaga sya noh? Yka, sa buhay, matuto kang mag let go para hindi ka na nasasaktan." Collie.

Mahirap eh. Sobrang hirap talaga.

"Alam nyo ba yung feeling na binigay mo nang sobra ang tiwala at pagmamahal mo sa taong hindi ka nagawang seryosohin? Hindi ba't sobrang sakit nun?" Ako.

"Oo alam namin yon. Kaya sa susunod na magmahal ka ulit, magtira ka para sa sarili mo. Wag mong ibibigay ang lahat. Wag mong saidin na parang wala ka ng itinira para sa sarili mo kasi pag nawala sya sa'yo, sobra sobra ka kung masasaktan. Kagaya ng nangyayari sa'yo ngayon." Anne

FOREVER DO EXIST (A SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon