Chapter 5:
Christoff's POV:
Itutuloy ko pa ba ang plano? Ang mission? Kasi kung itutuloy ko pa 'to, hindi lang si Ellyka ang masasaktan. Pati din ako. Sawa na din kasi akong masaktan kagaya nya.
Dapat pala nung una pa lang sinabi ko na agad kung ano 'tong nararamdaman ko para hindi na nila ako napilit na ako ang gumawa ng planong 'to.
Nung una pa lang, nung pa lang na nakita ko si Ellyka, nabighani na noon ako sa kanya pero hindi ko sya magawang lapitan kasi nga baka tarayan nya ako. Hindi ko naman alam na galit pala sya sa mga lalaki. Paano na lang kung nilapitan ko sya noon, eh di hindi ko sya magiging kaibigan ngayon?
Ngayon nga lang ako nagkaroon ng tamang tyempo para makipagkaibigan sa kanya. Gusto ko ng itigil itong planong to...
Anne's POV:
"Ano sa tingin mo, nagwowork kaya yung plano natin para kay Ellyka? Ginagawa kaya talaga ni Christoff?" tanong ko dito kay Collie na busy sa binabasa nyang libro.
"Hindi ko alam. Pero sana nga ginagawa nya. Para naman din ito kay Yka eh. At sana pag sinabi natin yung totoo, hindi magalit si Yka." sagot nya sa'kin. Sana nga...
"Eh pano kung na-fall na si Yka kay Christoff? Pano natin masasabi kay Yka ang totoo?" tanong ko sa kanya. Mahirap kasi pag dumating na sa point na ganon, mahirap mag explain.
Napatigil naman sa pagkain si Collie at tumingin sa'kin. "What if, wag na natin sabihin kay Yka yung plano. Para pag nahulog na ang loob nya kay Christoff, deredretso na. For sure naman, na-fall na din si Christoff dun. Wag na lang natin sabihin yon." sabi nya. Tama ba 'to?
"ANONG WAG SASABIHIN?!" nagulat kami dun sa nagsalita. Pagkatingin namin..
SI..
ELLYKA!! O__________O narinig nya kaya?
"A-ahhh. H-Hi Yka!" bati ko sa kanya at kikiss na sana sa cheeks na bigla syang umatras.
"Ano yung sinisikreto nyo sa'kin? Ano yung tungkol kay Christoff at ano yung wag sasabihin sa'kin?! Totoo ba talaga kayong kaibigan. Bakit kailangan nyo pang planuhin ang buhay ko, HA?!" sigaw nya samin. NGANGA kami ngayon. hala? Pano na ngayon?
No. No. No. Yka please, let me explain. Please. Makinig ka muna." pagmamakaawa ni Collie.
Ellyka's POV:
Papunta ako ngayon sa cafeteria para puntahan sina Collie at Anne. Maganda ang mood ko ngayon kaya please, wag nyong sirain.
Habang naglalakad ako, naisip ko ssi Christoff, nitong mga nakaraang araw, ang sweet sweet nya sa'kin. Anong ibig sabihin nun?
Bahala na nga. Tutal papunta na din naman ako kina Anne, sa kanila na lang ako magsasabi...
Napatigil ako nung malapit na ako sa kanila kasi may naririnig akong seryosong pinag-uusapan nila.
"What if, wag na natin sabihin kay Yka yung plano. Para pag nahulog na ang loob nya kay Christoff, deredretso na. For sure naman, na-fall na din si Christoff dun. Wag na lang natin sabihin yon." Ha? Anong plano yon? Pinaplano lang nila ang lahat ng 'to? Tama ba ko?!
Ang ganda ganda ng araw ko ngayon tapos sisirain lang nila?!
"ANONG WAG SASABIHIN?!" nagulat sila nung nagsalita ako. Tumingin sila at nanlaki ang mga mata nila..
BINABASA MO ANG
FOREVER DO EXIST (A SHORT STORY)
Teen FictionFDE | ELLYKA TORRIZ. Ang babaeng naging man hater nang dahil sa niloko sya ng taong pinakaminahal nya. Ang babaeng takot buksan muli ang puso para sa iba at takot na muling masaktan. Kung subukan nya kayang buksan ito, posible kayang mahulog ulit sy...