Chapter 3

10 1 0
                                    

Chapter 3:

Still Christoff's POV:

This is it.

"Day 1, Mission: Make her feel special"

Nandito na ako sa school. Hinihintay ko si Ellyka. Ito yung unang mission namin, ang iparamdam kay Ellyka na special sya. Sana maging successful.

"Goodluck Christoff. You can do that. Bye. I have to go." at nag wave sakin si Anne sabay wink.

Whooo. Kinakabahan talaga ako. Baka kasi fail ang plano na 'to eh.

Nakita ko si Ellyka, bumaba ng kotse nila. Kaya tumakbo ako malapit sa may gate para intayin syang pumasok.

"Good morning!" bati ko sa kanya ng naka-smile. Syempre, kailangan yan.

"Good morning din" bati nya sakin with a smile. Yung ngiti nya, halata na fake talaga.

"Fake smile? Agang aga oh. Sige ka, pag hindi ka ngumiti ng tunay na ngiti, uulan." biro ko sa kanya.

"Ay ganon?" Ellyka.

Ay grabe, pano ko ba 'to sisimulan? Huhuhu.

"Ngiti na kasiiiii." pagpipilit ko habang hinahawakan yung cheeks nya para mag smile.

"Aish. Ano ba Christoff, tigilan mo nga ako. Agang aga, bibwisitin mo ko eh." pagpipigil nya. Naiinis na sya :/ huhu. Help please.

"Sige na nga. Wag na. Mukhang hindi naman kita mapipilit eh." pagdadrama ko. Pero wala pa din effect sa kanya. Tiningnan nya lang ako ng masama. Hayst.

"Ako na lang magdadala ng book mo." sabi ko sa kanya.

Hindi nya ako pinansin. Nagdere-dretso lang sya sa paglalakad. Sobrang iba ang mood nya ngayon. Sobrang wala sya sa mood.

"Hay, wala ka bang balak kausapin ako? Ako na nga magdadala ng book mo. Please?" pagpupumilit ko. Sinundan ko sya ng sinundan.

Wala na syang nagawa. Napatigil sya sa paglalakad at tiningnan ako. "Oh eh di sa'yo na. Bitbitin mo kung gusto mo! Psh."

Binigay nya sakin yung book nya ng padabog. Shit, lalo ko yata syang nainis. Kasi naman -___-"

Sinundan ko na lang sya ng sinundan. Nung dumaan kami sa may canteen, nakita ko sina Anne at Collie. Nag thumbs up sila sakin. Ako naman, nag thumbs down.

nag "what" face sila. Hays. Kung alam nyo lang. Walang wala sya sa mood.

Sinundan ko na lang ulit si Ellyka hanggang sa classroom. Dun na lang muna ako umupo sa tabi nya.

"Bakit mo kailangang tumabi sakin?" tanong nya ng pataray.

"Hm. Wala, nagbabaka sakali lang na mag-open ka sakin? Mukha kasing ang laki ng problema mo ngayon eh. Sobrang bad mood ka." ako.

Napatayo sya at hinampas ang table. "Ano bang pakielam mo sa buhay ko?! Bwisit!" at lumbas sya ng classroom.

Nagulat ako sa pagsigaw nya. Pinuntahan ko sya sa labas ng room.

"Kung ayaw mo maging kaibigan ako, hindi ko na ipagpipilitin ang sarili ko pa sa'yo. Baka mas mainis ka lang sakin. Sige, bye. Inilagay ko yung book mo sa table mo." pagkasabi ko nun, pumasok na ulit ako sa classroom at umupo sa tamang upuan ko.

Hindi na siguro matutuloy ang mission namin. Bahala na nga. Magbabasa na lang ako ng libro.

Ellyka's POV:

FOREVER DO EXIST (A SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon