Chapter 1:
Ellyka's POV:
"Ano ba? Kailan nyo ba ako titigilan sa mga kalokohan nyong yan?!" Ako.
"Hay nako girl, matuto ka ngang magtiwala ulit sa lalaki." Anne.
"Ilang beses ko pa ba kailangang ulitin sa inyo na ayoko na? Ayoko na nga sabing magtiwala eh. Mahirap na. Kaya itigil nyo na yan. Okay?" sabi ko sa kanila sabay inom ng juice.
Nandito kami ngayon sa isang restaurant, nagmamatakaw na naman kami.
"Hay nako Yka, bahala ka. Pag hindi mo ulit hinayaan yang puso mo na magmahal at magtiwala, ikaw rin yung magsisisi sa huli." Collie.
Oo nga pala, Yka's my nickname.
"Hinding hindi ako magsisisi. At sa totoo lang, mas masarap sa feeling ang walang ka-relasyon. Alam nyo yon. Yung wala kang pinoproblema. Wala kang iisiping negative tungkol sa taong yun. Wala kang iintindihing iba kung hindi ang sarili mo lang." sabi ko sa kanila habang naka-ngiti.
Totoo naman eh. Mas masaya ako sa kung ano ako ngayon.
"Wag kang magsalita ng tapos. Hindi mo masasabi ang flow ng buhay mo Yka. Hindi mo alam kung anong mangyayari at kung sino ang dadating sa buhay mo in the future." Collie.
"Collie's right. At yang sinasabi mong mas masarap sa feeling ang walang ka-relasyon? Hay. Temporary lang yan. Kapag hindi ka naniwala sa mga payo namin, balang araw, sasabihin mo sa sarili mo na, "bakit nga ba hindi ako naniwala sa kanila?"" Anne.
Hay. Yan ang akala nila.
"Yan ang akala nyo girls. Kaya kong mabuhay ng walang boyfriend noh." pagmamatigas ko.
"Yka, usong babaan ang pride pagdating sa pag-ibig ha? At kung yang utak mo eh nagmamatigas at pinipigilan ang puso mo na magmahal ulit, wag mong hayaang ipagpatuloy nya yan. Kung magmahal ka ulit, wag utak lang ang paganahin. At wag ang puso lang din. Parehas yang ginagamit pag nagmamahal ka. Kaya matuto kang sundin kung ano ang mas nakakabuti para sa sarili mo." pagpapaliwanag ni Anne.
"Ma'am, eto na po ang orders nyo." sabi nung waiter.
"Thanks." sabi ni Collie. "Pinapayuhan ka lang namin para matauhan ka din kahit papaano. Kasi ayaw naming malulungkot ka. Syempre, kaibigan mo kami. Ayaw namin na nasasaktan at nalulungkot." balin ng atensyon ni Collie sa akin.
"Salamat sa mga advices nyo. Pero kung ano yung meron at ano ako ngayon, hanggang dun na lang muna ako. Bahala na kung may darating ba talagang tamang lalaki para sa akin. Let's eat?" sabi ko.
Nag smile na lang sila sakin at nag start na kaming kumain.
Pinapangunahan ba talaga ng pride ko ang puso ko kaya hindi ko magawang magmahal ulit? O dahil sa sobra akong nasaktan noon kaya binabalewala ko na lang ang mga lalaki ngayon sa mundo?
Natuturuan ba ang pusong magmahal o kusa na lang itong mararamdaman? Noon kasi, hindi ko tinuruan ang puso kong mahalin sya...
Sobra lang talaga akong naniwala sa kanya na meron talagang forever kaya ako nahulog sa kanya.
"Hoy. Kainin mo nga yang pagkain mo. Bakit ba natutulala ka dyan? Natauhan ka na ba?" sigaw ni Collie sakin. At tumawa pa ng nakakaloko 'tong mga 'to ha.
BINABASA MO ANG
FOREVER DO EXIST (A SHORT STORY)
Novela JuvenilFDE | ELLYKA TORRIZ. Ang babaeng naging man hater nang dahil sa niloko sya ng taong pinakaminahal nya. Ang babaeng takot buksan muli ang puso para sa iba at takot na muling masaktan. Kung subukan nya kayang buksan ito, posible kayang mahulog ulit sy...