Chapter 4:
Still Christoff's POV:
Nandito ako ngayon sa garden ng school. For sure, dito ang deretso ni Ellyka.
Nag soundtrip na lang muna ako at sumandal sa bench at pumikit.
"Christoff?" medyo mahina lang naman ang music kaya narinig ko kung sino yung nagsalita.
Pagmulat ko, tinanggal ko ang headset ko sa tenga.
"E-Ellyka?" medyo nautal pa ako -__-"
"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya.
"Wala. Iniintay ka. Gusto sana kitang makausap eh." sagot ko.
Umupo sya sa tabi ko. "Ako din eh. Gusto din sana kitang makausap."
Napatunghay ako nun at napatingin sa kanya.
"Ahhh... Dun sa nangyari kahapon... Sorry nga pal--" sabi nya pero bigla kong pinutol yung sinasabi nya.
"Hindi Ellyka. Ako dapat yung magsorry sa'yo. Nakulitan ka yata sa'kin nun eh. Sorry talaga. Sorry." Ako.
"Actually, sorry talaga eh. Kasi sa'yo ko naibuhos yung galit ko..." Ellyka.
"Ano bang nangyari?" tanong ko.
"Nainis lang ako kahapon kasi... Kasi nakita ko sya."
"Si Ryan?" tanong ko.
Napatingin sya sa'kin ng may halong pagtataka.
"P-pano mo sya kilala?"
"Alam ko na Ellyka. Nakilala ko si Ryan kasi kinwento nina Anne at Collie ang nangyari sa'yo. Pero wag kang magagalit sa kanila, ha? Ako din naman kasi ang nagpumilit. Kaibigan nyo na din naman ako eh." sabi ko.
"Haha. Hindi, okay lang. Mas maganda na yung malaman mo para maintindihan mo din ang mood ko minsan." sya.
"Naiintindihan naman kita. Alam mo, sa totoo lang, walang kwenta yung Ryan na yon eh."
Napatawa naman sya ng kaunti. Pero yung alam mong pilit na tawa. "Pano mo naman nasabi?" tanong nya.
"Kasi iniwan ka nya ng ganon ganon lang. Hindi ka nya nagawang pahalagahan. Siguro nagsisisi na yon ngayon." sabi ko sa kanya.
"Bakit naman sya magsisisi?" Ellyka.
Tumingin lang ako sa mga halaman sa harap namin. "Kasi pinakawalan nya ang babaeng tulad mo." sabay tingin sa kanya at ngumiti.
Napangiti na lang din sya. Seryoso yung sinabi kong yon, hindi yon kasama sa plano.
Masisimulan ko na yung plano, ayos na kami eh.
Tumayo na ako at humarap sa kanya. "So, pano? Tara na? Baka ma-late pa tayo eh." yaya ko sa kanya.
"Tara." sagot nya sabay tayo.
"Ako na magdadala nyan." sabi ko sabay kuha nung bag nya at nung envelope na dala nya.
"Sige. Salamat." sabay smile.
Naglakad lakad kami hanggang sa makarating sa classroom.
Pagkadating namin dun, saktong kadadating lang din ni Sir. Nagdiscuss lang sya ng nagdiscuss for 1 hour.
BINABASA MO ANG
FOREVER DO EXIST (A SHORT STORY)
Teen FictionFDE | ELLYKA TORRIZ. Ang babaeng naging man hater nang dahil sa niloko sya ng taong pinakaminahal nya. Ang babaeng takot buksan muli ang puso para sa iba at takot na muling masaktan. Kung subukan nya kayang buksan ito, posible kayang mahulog ulit sy...