Chapter 1: Encounter

79.9K 962 19
                                    

MY BABY DADDY


(1)


HER


"Ano? Nahanap mo na ba sa facebook?" aligaga nyang tanong. "Ilang linggo na tayong search ng search maging sa instagram at twitter. Wala pa din. Ano nang gagawin ko?" nanlulumo na sya.


Nasaan na ba kasi ang ama ng anak ko!


Yes. You're right. Nasa kasagsagan kami ng paghahanap ng ama ng anak ko. Kasalanan ko din naman e. Palagi ko kasing ikinu-kwento sa anak ko ang tatay nya bago ito matulog hanggang sa hinanap hanap na nito. Akala ko noong una ay mapapakiusapan pa nya ang anak pero hindi na pala. Six years old na ito ngayon. Sa edad na iyon ay mamamangha ka dahil mature na mature na itong mag-isip. Sa kilos, sa gawa at sa salita.


Nagpapalatak ang kaibigan nyang si Butch. Ang kalahating-tao at kalahating engkanto nyang kaibigan. Matangkad ito sa kanya. Palibhasa may lahing amerikano ang ama nito. "Bakit ba kasi pangalan lang nya ang alam mo? Ni hindi mo man lang naisip itanong pati apelyido. Jusko naman bakla! Maraming Tyron sa mundo."


Yes. Bakla si Butch. Huwag na lang kayong maingay. "Kasalanan ko bang iniwan nya ako kinaumagahan."


Inirapan sya ng bakla. "Gaga ka bakla! Kilala kita. Tulog mantika ka kapag natutulog."


Napakamot sya. Totoo kasi. Mahirap talaga syang magising lalo na kapag sobra syang pagod. Naalala na naman nya ang note na iniwan sa kanya ng lalakeng ama ng anak nya. Halos pitong taon na ito sa kanya.


Hey Baby,

I enjoyed everything last night. It was a blast! Thank you and goodbye.

P.s I left a check beside this note. I hope this is enough.


-Tyron


Oh diba! Kung hindi lang talaga para sa anak ko ay hindi ko talaga sya hahanapin. Palagi ng nagtatampo si Mico sa kanya. Madalas na din itong nagkukulong sa kwarto. Naaawa na sya sa anak nya.

"Oh. Natahimik ka dyan?" nakapamewang pang sabi ni Butch sa kanya "Naaalala mo na ba?"


Marahan syang umiling. Inis na binatukan sya ng bakla. "Mukhang mission impossible naman itong ginagawa naten baks. Sabihin mo na lang kaya sa junakis mo na hindi mo talaga kilala ang ama nya. Nakipag-jugjugan ka lang noon dahil malandi ka."


Binatukan nya si Butch. "Malandi agad! Sisihin mo na lang kaya ang malandi kong pinsan. Sya ang panira ng lovelife ko noon e. Inahas ba naman ang Dodong ko."

My Baby Daddy (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon