MY BABY DADDY
(3)
HER
Hindi na ako nakipagtalo pa ng ihatid sila ni Tyron. Galit pa din sya at ang loko mukhang wala lang kung galit man sya o hindi. Mas lalo syang nagalit.
I have the right to be angry! Sino ba naman ang hindi magagalit kapag nalaman mong may tsikinini ka sa leeg. Hindi tuloy nya maipusod ang buhok dahil makikita ng ibang tao ang ebidensya ng galit nya kay Tyron.
Hindi na sila nakapag-usap. Kapag tinatangka nya ay iniiba nito ang usapan o kaya ay aalis ito bigla. Napapapikit na lang sya ng mariin. Paano nila maayos ang lahat kung hindi naman makikipag-usap ang lalake sa kanya. Yung matino!
Itinuro nya ang apartment na tinutuluyan nilang mag-ina. Pagkababa ay agad nyang kinuha ang anak. Wala syang balak papasukin ang lalakeng yun pero anak naman nya ang humila sa ama. Ano pa bang laban ko? Sa anak ko pa lang ay talo na ako.
"Pasok ka daddy. Dito kami ni mommy nakatira." masayang hayag ni Mico. Tinuro pa nito ang kwarto nya. Inilibot sa buong apartment. Hindi naman malaki ang inuupahan nila kaya natapos agad ang mini tour ni Mico sa ama.
Hinayaan ko silang dalawa sa komedor. Umakyat ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Naghilamos na rin ako para mahimasmasan ang galit ko.
Lecheng lalakeng yun. Hindi ba nya nararamdaman na galit ako?
Bumaba sya sa kwarto ng madatnang seryosong nag-uusap ang dalawa. Agad namang tumakbo saken si Mico. Nakangiti ito sa kanya. Tumingin sya sa ama nito saka ibinalik ang atensyon sa anak.
"Yes baby? You need anything?"
Yumakap si Mico sa kanya. Mukhang may request ang batang gwapo. "Daddy asked me kung gusto kong pumunta sa house ni grandma sa weekend. Sabi ko ay pwede kung kasama ka."
Hindi sya tumingin kay Tyron kasi alam nyang nakatingin na ito sa kanya. "Mommy?" napa-puppy eyes na ang anak nya.
Bumuntong hininga sya. "Fine. You can go to your grandma on weekend. Tutal may pupuntahan din naman ako sa weekend e. Ok lang ba sa iyo na doon ka muna habang nasa seminar si mommy?"
Lumabi naman ang kanyang anak. "Ilang araw ba mommy ang seminar mo?"
"One nigh and two days baby. Sa friday ang alis ni mommy. Why?" paliwanag nya sa anak. Mukhang mas gustong sumama nito sa kanya kesa magpunta sa grandma nya.
"Mommy pwede po bang---"
"No baby. I'm sorry. Puro adults lang ang pwede sa seminar. I hope you understand."
Tumango na din kalaunan ang anak nya. "But promise me, uuwi ka kaagad. Sino po ang susundo sa inyo."
"Your tito Butch baby." hindi pa alam ng anak ko na bakla si Butch kaya tito ang pinapatawag ko dito sa ngayon. Next time na lang nya tawagin si Butch ng tita kapag may isip na ito.
Pumanhik na sa kwarto nya si Mico. Gusto nya daw mag-color. Hinayaan ko na lang sya. Inayos ko na lang ang ilang kalat sa sala. Yung ilang papel na naiwan nya noong sabado.
"Is it necessary?" napairap sya. Hindi na nga nya pinapansin e hindi pa din umaalis.
Humarap sya dito. "What?"
BINABASA MO ANG
My Baby Daddy (R18)
General FictionBlue eyes. Chiseled jaw. A luscious lips. Pointy nose. A die for body. In short, he's a greek god and he's my baby daddy. Please help me to find him. P.s Your baby is looking for you. NOTE: SPG. SPG. SPG. SPG. SPG. SPG. Mature content! For mature...