Chapter 4: War

38.7K 671 2
                                    

MY BABY DADDY

(4)

HER

"Mommy. Dito na po ba tayo titira?" masayang sabi ni Mico ng isama na namin sya sa bahay na napili ni Tyron.

Sinama pa sya nitong mamili. Hindi din naman pala sya nito susundin. Ang sarap kutusan ng lawyer na ito. Bwisit.

Ginulo gulo pa nya ang buhok ng anak. "Oo baby. Why? Ayaw mo ba?"

Umiling agad ito. "No mommy. I love it po. Ang ganda ganda."

"Hey big boy." tawag ng ama nyang nasa second floor na. "Wanna see your room?"

"Meron akong sariling room?" hindi makapaniwalang sambit ng bata.

Sa apartment nya ay may dalawang kwarto kaya lang ay mas pinili nyang magkatabi na lang sila ni Mico. Nitong mga nakaraang araw lang sila hindi nagtatabi dahil na din sa kagustuhan ni Mico na masanay na dahil big boy na daw sya.

"Of course."

Agad namang tumakbo ang anak ko. "Baby. Be careful."

"Yes mommy!" sigaw nito hanggang sa maka-akyat na. Nagtatalon talon pa ito sa labas.

Hinayaan na lang nya ang dalawa na magsama. Nagpunta na lang sya sa labas at nagtambay sa may teresa. Ang dami na agad nangyare ngayong araw. Una, absent sya sa school. Pangalawa, hindi na natuloy ang pagsampa nya ng kaso. Pangatlo, magsasama na sila sa iisang bubong ng tosong lawyer na yun. Pang-apat, may nabili na agad itong bahay sa loob ng isang oras. Sya nga e, halos ilang taon na syang nag-iipon pero wala pa din. Kulang pa din ang savings nya para sa pagpapagawa ng sarili nyang bahay.

"Hey. What are you doing here?" naramdaman nya ang init ng hininga sa may leeg nya.

Binigwasan nya ito ng isa. Whew! Feels great. "What the fvck!" reklamo nya habang hawak hawak ang tyan nyang tinamaan ko.

Tinaasan ko sya ng kilay. "Pasalamat ka nga dahil binigwasan lang kita ng isa. Nagtitimpi pa ako sa lagay na ito."

"Fvck!" mura pa din nito

Tiningnan nya ito. Pshh. Arte. Mahina pa nga yun e. Pumasok na sya sa loob. Ayaw na nya sa labas. Nasisira lang ang mood nya.

"I can sue you." banta nito sa kanya

Ngumisi ako. "Go on." sinong tinakot nya. "Kasuhan mo ako. Edi walang magiging ina ang magiging anak mo."

Natigilan ako sa nasabi ko. Mahinang tinampal ko ang bibig ko. Doon ko lang narealize ang nasabi ko. Mukhang nagulat din naman si Tyron kaya sya agad ang nakabawi.

Nanginginig sya sa sinabi nya. Kung si Butch ang nasa harapan nya ngayon ay paniguradong nakakuha na sya ng kurot sa singit. Sasabihan na naman syang malandi.

Hindi ko na hinintay pa na mag-komento si Tyron. Bahala sya! Mag-aayos na lang sya ng gamit. Konte lang din naman ang nadala nya. Ang uniform nila parehong mag-ina. Ilang pirasong damit. At puro papel na kailangan nya.

Pumunta ako sa kwarto ni Mico. Natuwa ako ng makitang tumatalon talon pa ito sa tuwa. "Mommy! Ang ganda ng room ko."

Ngumiti ako. "Yes baby. Ang ganda nga." sabi ko "Huwag ka ng tumalon. Baka sumakit ang tyan mo."

My Baby Daddy (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon