Afraid for Love to Fade written by: LadyPluma
Copyright © 2012
All Rights Reserved.
•°•°••°•°••°•°••°•
° F o u r °
"Pleine naman kasi eh!" Nagpagulong gulong ako sa kama ko. Arghhhh! Nakakainis! "Sige na naman!"
"Hindi nga pwede," huminga siya ng malalim bago ituloy ang sasabihin. "Ang tigas ng ulo mo."
Nilingon ko si Anise na panay naman ang pagne-nail file ng kuko niya sa kamay. "Pleine, wait lang ah. Hold ko muna."
"Hoy!" Sigaw ko si mic ng headphones ko. Dahilan naman para masapo niya ang dibdib niya sa gulat. "Ayaw ni Pleine!"
"Para san 'yon!?" Pagpapatungkol sa panggugulat ko. Siguro kung nandun ako ngayon, naitarak na sakin ni Nise yung nailfile na hawak niya. -______-" "Gags ka talaga! Sabi naman sa'yo eh! Hindi 'yan papayag!"
Inirapan ko nalang siya sa sinabi niya. Kapag lang talaga napapayag ko 'to! Hah! Ni-loud speaker ko ang tawag kay Pleine para malaman ni Anise kung anung pinaguusapan namin. Para naman hindi puro pagne-nail file ang inaatupag ng babaeng 'to! Sayang sa kuryente pags-skype namin.
"Pleine," bati ko muli sakanya nang in-unhold ko yung tawag. "Nasa school ka?"
"Uhuh, I dont need help Pres kaya wag ka nang magtangkang pumunta dito. Hindi mo ko mapapapayag kahit mag-lunch out pa tayo. Alam mo kase, nagawa ko na yung official list ng bawat klase. Hindi ko na uulitin 'to. Ipapasa ko na nga kay Ms. Maliquid eh."
"Pleine naman! Iiwanan niyo ba talaga ako sa Wisdom!?"
"Wag kang OA," nakita kong nagpipigil ng tawa si Anise. "Andun pa naman si Peige at Spae. Wag ka nga! Tsaka ano bang meron at yagit na yagit kang malipat ng section? Kahapon hindi maipinta mukha mo nang i-announce yung mga ililipat."
Nakita ko ang lumitaw na chat ni Anise. 'Oo nga naman, Pres. Ano bang meron at yagit kang lumipat?'
Alam naman ng babaeng 'to kung bakit gusto kong lumipat eh! 'Tada! Asar talaga 'tong si Anise 'pag nangaalaska! >____<"
Nireplyan ko si Anise, 'Pakyu. t(-____-t") Sagad.'
"W-wala, sige na naman. Di mo ba mipipilit si Ms. Maliquid?"
"Sa tingin mo? Marinig nga lang pangalan mo nagiinit na dugo nun eh. Alam mo minsan, iniisip ko kung may iniiwasan ka sa Wisdom or gusto mo talagang sundan jowa mo sa Justice."
Agad nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Anise sa narinig niya. Parang nandidiri. As if namang gusto ko yung sitwasyon namin. Aaaack! Kadiri! That thought that gives me goosebumps.
"Bye na nga. Salamat na lang, Pleine. Ingat ka pauwi."
Ibinaba ko ang tawag at inayos ang sarili ko. Sabado ngayon pero parang tamad na tamad akong kumilos. Umupo ako sa silyang kapares ng study table ko.
"Balak mo 'teh?" Biglang nagsalita si Anise. Oo nga pala, nandito pa 'tong isang 'to. "Lunchout nalang tayo! Tayong apat nila Spae at Peige!"
Ayoko sanang umalis sa bahay ngayon kaya lang gusto ko talaga mawala yung mga iniisip ko kahit saglit lang. Hindi ko naman maistorbo si Ate Nica, busy kasi siya sa pagaalaga kay Gikgik, yung pinsan namin.
"Sige na nga. Gusto ko namang matanggal ang stress sa katawan ko. Ako na magt-text sa dalawa. Daanan niyo ko dito ah!"
"Oo naman! Libre mo?" Agad kong tinaas ang isang kilay ko. "Joke lang. Hahaha!"
![](https://img.wattpad.com/cover/3115201-288-k685002.jpg)
BINABASA MO ANG
Afraid for Love to Fade
Teen FictionSa lahat ng takot, may kabilang side pa yun, every story have a different face. And in different faces of fear that keeps us afraid of loving, is another man or woman that is ready to take all those doubts away. Because they are also Afraid that lov...