Afraid for Love to Fade : Chapter 1

336 21 16
                                    

Afraid for love to Fade written by: genialminion

Copyright © 2012

All Rights Reserved.

•°•°•°•°•°•°•°•°•°••°•°•°•°•°•°•°•°•°••°•°•°•°•°•°•°•°•°••°•°•°•°•°•°•°•°•°••°•°•°•°•°•°•°•°•°••°••°•

° O n e °

"Kababae mong tao, mukha kang jeproks sa uniform na suot mo!"

"Ah ah naman ate! Dati ko pa naman sinusuot yang mga luma kong uniform ah? Anu nanaman bang kaartehan ang gusto mo?"

"Isuot mo nga kase 'tong bago! Mas matino 'to kesa dyan," pagpipilit ng ate ko, "Senior High Student ka na! Dapat bagong buhay! Suot mo 'yan. Gusto ko pagakyat ko dito mamaya, iyang binigay ko na yung suot mo ha!" saka siya lumabas ng kwarto ko.

-_____-" Ano naman kayang meron kung Senior High na ko? May dapat bang magbago? Eh ganun parin naman dapat eh.

Kapag tinanong ko naman yun panigurado, isa lang ang ilusyonadang sagot nun, for example, nung binilhan niya ko ng black shoes na may takong, last week.

*

"Magfo-fourth year ka na, dapat maganda sapatos mo. Yung tipong feminine na feminine," nang tanungin ko siya kung bakit kailangan pang ganung sapatos ang bilhin niya, ang tanging sagot niya ay, "Para maganda ka, babaeng babae, para magka-lovelife ka manlang! Tsaka di mo ba alam na malaking epekto ang sapatos sa itsura ng isang babae. Sapatos kaya nagdadala ng outfit!"

*

Ngayon, sabihin niyo nga saken kung dapat kong isuot 'tong putek na uniform na 'to!? Sapatos daw nagdadala ng outfit, Tss. Di naman sapatos tinitignan ng mga lalake eh, yung itsura kaya! Maliban nalang kung walang pinagkaiba yung mukha nung babae sa paa niya. Inimprove lang ng sapatos yung paa para mas maganda kesa sa mukha. >:D

Back to my problem.. Anu kayang isusuot ko? Yung bigay ng ate kong may mababaw na reasoning skills o ang gusto ko?

Tinatanong pa ba ‘yan!? Syempre yung gusto ko! Obvious naman! Hahaha!

Kinuha ko mula sa cabinet ko ang mahabang palda, oversized blouse, cap ko at ang name pin ko. Yung cap, di yun kasama sa uniform pero sinasama ko! :D

Dali-dali akong nagpalit ng uniform ko, kase tanghali na at mukhang di ako makakaabot sa Opening Assembly. Dahil sa pang uusisa ng ate ko sa isusuot kong uniform. Salamat sa kanya, late ako sa First day ko!

Suot ng blouse, suot ng palda, cap at pin! Ayos! Pwede nang lumarga! Pero bago ko umalis, kinuha ko muna ang accessoria ko, pantali ng buhok, at wristwatch. Di ako makakaalis ng bahay kapag wala ‘yang mga ‘yan.

Dahan dahan akong bumaba mula sa hagdan. Mamaya kasi nyan, pag nakita ako ni Ate Nica, paniguradong kahit late na ko pagpapalitin parin ako ng uniform nun!

*silip sa kaliwa*

*silip sa kanan*

Wala namang anino ng ate ko ang nahagip ng mga mata ko, pero dahan dahan parin akong bumaba at naglakad papunta sa front door..

Sige pa Pres, konti hakbang nalang..

*QUACK*

"AY CHEKWANG BAKLA!" natapakan ko pala yung rubber duckie nung pinsan ko. Ano ba naman kaseng ginagawa nito dito?! Pakalat kalat pa!

"Aalis ka manlang ng walang paal--" nagsalubong bigla ang kilay niya ng makita  suot ko, "Hoy Reese! Bakit iyan sinuot mo?! Ang jeje mong tignan! Yuck!"

Afraid for Love to FadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon