Afraid for Love to Fade : Chapter 5

66 16 10
                                    

Afraid for Love to Fade written by: LadyPluma

Copyright 2012

All Rights Reserved.

•°•°•°••°•°•°••°•°•°•

° F i v e °

Madalas sa unang araw ng regular classes ang ina-abangan ay ang magandang class schedule, kung maaga ba magpalabas ang subject teacher before recess or lunch. Kung mabait ba ang teacher sa subject after breaks at kung mapapaaga ba ang dismissal time (na madalas naman imposibleng mangyari).

Pero para sa school year na 'to, iba ang inaabangan ng mga estudyante sa high school department ng Milthorpe Academy. Lalo na sa barkada ni Reese.

'The Most Anticipated Moment' para kila Reese, Peige at Spae. Inaabangan nila kung sinong mga bagong mukha ng Wisdom ang dadagdag. Para naman kila Anise, Pleine, Alice at Fall, wala naman silang kabang nararamdaman sa paglipat, siguro'y pabor naman kasi sakanila yun dahil na rin sa sila ang lilipat at hindi sila ang mag-aabang kung sinong mga lilipat. Teka, Gets niyo ba? Hahaha! Oh well, kailangang ma-gets niyo. Kanya kanyang push naman sa pagintindi guys, ang hirap kaya mag-narrate!

Bakit di nalang kaya natin tignan kung anong pinaguusapan nila habang abala sa pagsasalita sa harap ang sub nilang si Ms. Maliquid dahil sa nasa maternity leave ang class adviser nila.

"Kahit sino okay lang," bulong ni Peige kay Pres na nasa kanan niya nakaupo, "Basta yung hindi magpo-provoke na lumabas ang ka-demonyohan ko."

"Wow. Taray 'te!?" Kumento naman ni Spae na nasa kaliwa niya, "Demons lang? It's where your demoms hide? Hahaha!"

"Shhh! Wag nga kayong maingay diyan," saway ni Pres sa mga kabigan niyang kanina pa nagdadaldalan habang nagsasalita si Ms. Maliquid sa harapan. "Nagsasalita ang matandang dalaga oh!"

"Gagabels! Hindi ko alam kung natatakot ka kay Madam Maliquid o nangiinsulto ka," saway naman pabalik ni Spae kay Pres sabay hampas pa.

"Totoo naman yung sinabi niya ah?" Sabat ni Peige, habang si Spae naman ay abala sa pagirap.

'Ano ba naman 'to, hindi maganda feeling ko sa mangyayari ah?'

Kanina pa paulit ulit na mantra ni Pres iyan, pagkatapos na pagkatapos palang ng Flag Ceremony nila. Bigla nalang kasing nadagdagan yung kabang nararamdaman niya simula nung sabado.

Halos tatlong araw nang dinadala ni Pres sa konsensya niya ang pagiwan kay Austin sa playground. Ang masaklap pa ay iniwan niya ito sa swingset na lagi nilang pinupuntahan NOON. Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang makonsensya kung sa tingin naman niya ay papabor sa kanya at kay Austin ang ginawa niyang pag iwas.

Pumasok pa nga sa isipan niya na kung bakit pa kasi kailangang bumalik ng dating kaibigan mula sa Leighton University ngayong okay na nga ang buhay niya nang wala si Austin. Kinaya na nga niya ng isang taon hindi ba? Kinaya naman niyang isipin na masaya si Austin sa dati niyang isa pang bestfriend na si Danna. Kaya nga nakapag-move on kagad siya eh.

Kase ang motto niya, "If it's meant to be, It will be." Eh nangyari na yung dalawang bestfriend niya noon ang nagkatuluyan. Edi kung meant na maghiwalay si Austin at Danna at bumalik silang dalawa ni Austin sa dati na magbestfriend, edi yun talaga kapalaran nila. Drama much? Heck yeah!

Pero bumalik tayo sa kabang bumabalot sakanya ngayon, kung kahapon ay keri pa naman niya ang kabang nararamdaman, ngayon hindi na. Bakit? Kase...

"Danna Sherrie Lopez," pumasok ang isang maputi, matangkad at chinitang babae na may ribbong kulay pink sa classroom ng Wisdom at tumayo ng prim and proper pagkatawag sa kanyang pangalan.

Afraid for Love to FadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon