Afraid for Love to Fade : Chapter 2

202 20 11
                                    

Afraid for love to Fade written by: genialminion

Copyright © 2012

All Rights Reserved.

•°•°•°•°•°•°•°•°•°••°•°•°•°•°•°•°•°•°••°•°•°•°•°•°•°•°•°••°•°•°•°•°•°•°•°•°••°•°•°•°•°•°•°•°•°•

° T w o °

"An accelarated traveling velocity of such terminology inexactitude." - for short . . . C H I S M I S

Alam naman nating lahat na kapag chismis ang usapan, hindi mababawasan ang populasyon o ang dami ng mga chismoso't chismosa. Parang mga kabute lang yang mga yan eh, minsan susulpot mula sa kawalan para lang makapanguha ng bagong chismis.

Speaking of chismoso't chismosa, hindi magapapahuli ang mga taga Milthorpe Academy. Nag-ala hide out nga ng mga sugo, uripon, at kampon nila Kris Aquino, Boy Abunda, Lolit at Cristy.

This is considered as a worldwide, and global trend na kailan man, eh hindi malalaos. Pano, past time ng bawat tao na mahilig magbigay ng 'Tamang Hinala' na dapat eh 'Maling Akala' ang tawag.

For an instance, Ang Reese Parsley Balao A.K.A "Presley or Pres" ng fourth year - Wisdom ng Milthorpe Academy, ay ang pinakatrending so far (when I say so 'far' meaning nun, pangalawang araw palang). A brief and simple confession mula sa kanya, "Les. Tomboy. Tibo" or what so ever pang kataga na parehas lang ng meaning sa quoted words. No surprise na dapat ang pagkalat nito sa campus, lalo na't kilos barako naman si Pres at dapat ay wala nang pagchismisan pa. Ordinaryo lang naman yun, totomboy tomboy parin naman kasi si Pres, kaya lang dahil likas ang madada na tao, waley nga namang takas ang topic na 'to na naging chismis na. Hindi pwedeng 'umiskapo' o 'pakembularin' nalang bigla ika nga ng baklang kakilala ko sa kanto, kahit hindi kagulat gulat ang revelation, napagtrend parin ng mga chismosa. Oh diba, bongga sila. :D

Dahil nga sa ang chismisan eh past time ng mga studyante bukod sa pagkopya ng assignment, na hindi nila magagawa ngayon kase wala pa naman silang meeting sa kanya kanya nilang subject teachers, they get themselves busy with something nonsense. Chismisan (maliban sa IV- Wisdom). Kagaya ng dalawang sophomore students na nakatambay sa second floor ng Building 1 ng Highschool dept, corridor ng fourth year, harap ng IV-Wisdom.

"Asan na? Parang umabsent naman ata eh!" sophomore 1

"SHH! Wag ka ngang maingay dyan," saway ng sophomore 2, "Maaga pa kase kaya wala pa. Pero parating na yun!"

Can you guess what they are doing? Alam kong alam niyo, ganyan din ang iba sa inyo! Inaabangan nilang dumating si Pres. Para ano? Para makapangalap ng UD sa trending chismis ng Milthorpe.

"Ayan na! Steady ka lang wag kang pahalata," bulong ni sophomore 2.

Since maaga pa, mala gubat ang mga corridor at classroom sa Highschool dept, parang mga nakawala sa hawla mga estudyante, Pero nang dumaan si Pres..

Afraid for Love to FadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon