Ang Huling Sana

189 6 0
                                    


Una, hiniling ko na iyo sanang mapansin

Nang mga matang malayo sa akin

Nawa'y dinggin ang hiling nitong damdamin

Tulad ng damong namayapa sa bukirin.



Hindi hinagpis o tubod hinanakit

Ang s'yang alay 'pagkat masakit

Tuparin ang layon ng matang nakapikit

Sa buwang marikit at bituin sa langit.



Ikalawa, ibig ko sana'y humimbing

Kahit sa panaginip lang ika'y makapiling

Pagsuyo nga ba'y 'di mayari?

O sa dulo ay ako rin ang hihikbi.



'Pagkat anong laban sa sampal ng katotohan

Na ako'y kailanman 'di mo kayang ipaglaban

Buti pa sila, buti pa ang bola

Hindi mo hahayaang maagaw ng iba.



Panghuli, minahal mo gaya ng nais ko

Ngunit sugat sa puso ay iniwan mo

Lumisan ka at nagmahal ng iba

Tulad ng bula,  naglaho ng kusa.



Tama na! husto na!

Sana ang sana ay magwakas na

Tulad ng matang pagod nang lumuha

At nang bibig na nagsasabing" Sana hindi na lang sana".



Feelings: The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon