Magkatulad Ngunit 'Di Magkatugma

371 7 0
                                    


Tulad ng bituing sa gabi ay kumukulimlim

Nais mag-ilaw ang pusong balot ng dilim

Tulad ng mga dahong sa puno'y nangalagas

Pagsinta ay nagmaliw, pag-ibig ang nagwakas.



Tulad ng hanging walang hanggan kung umihip

Sana'y hinagpis ganito rin kung umalis

Tulad ng taong parehong umiibig

Iisa ng hiwatig, iba-iba ang inibig.



Tulad ng mga luhang sa mata ay nanatak

Gayundin ang puso kung masakta'y iiyak

Tulad ng mga matang tanaw ay sakit ng kahapon

Nawa ay humayo na pagsapit ng ngayon.



Tulad ng taong nagmahal ng tapat

Nais masuklian nang kung ano ang dapat

Tulad ng taong batid mong masayahin

Patawa-tawapa, sa dulo'y iiyak din.



Tulad ng saya na napalitan ng lungkot

Nang ngiti na binago ng lumbay

Tulad ng tawa na ngayon ay luha

Sana'y maglaho na sa pagpikit ng mga mata.



Tulad ng katulad ko na nasaktan mo

Nang sabihin mong ako ay sayo 'di pala totoo

Tulad ng mga pusong sabay kung tumibok

Ang sa akin ay sayo at sayo'y sa kanya.



Tulad ng mga pusong sabay kung umibig

Likas ngang magkatulad, ngunit 'di magkatugma.








Feelings: The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon