Mailap

67 2 0
                                    

Pasakit ang natamo kaya lumuha ang puso

Sapagkat nang minahal ka kayraming nagbago

O bakit nga ba ganito ang iyong sukli? 

Puso'y nabasag, mata ay nagdalamhati.

Pag-ibig, lubha ka yatang mailap

Bakit hindi ibigay itong aking pangarap?

Bakit hindi niya batid itong alay na pag-ibig?

Nagmahal lang ba upang masaktan

At magdusa sa sampal ng katotohanan?

Alam kong hindi niya alam

Itong aking pag-ibig sadyang nasayang lang

Kung alam ko lang hindi na sana nasabik

Dahil ako rin ang sa dulo ay hihikbi.

Paano na ang puso?

Paano na ako?





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Feelings: The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon