Disyerto ng Iyong Pag-ibig

78 4 0
                                    


Kaylawak ngat wala akong mahagilap

Humayo itong paa't di alintana ang hirap

Pagkat ang pagmamahal ko ay hindi padadaig

Sa disyerto ng iyong pag-ibig.


Bagyong buhangin ang sa mata ay nagpapikit

Nang tumulo ang luha sa sakit

Ang paglalakad ko ay napahinto

Nang ang mga mata na ang kusang sumuko.


Ang pagmamahal na hindi padadaig

Ay naging salita ng lubhang pagkalupig

Napagod ang puso sa layo ng nilakbay 

Dahil ang pag-ibig na dapat sa akin ay sa iba ibinigay.


Ang pag-ibig mo ay isang buhangin

Kahit kanino napupunta kapag hinipan ng hangin

Hindi ba pwedeng manatili

Upang hindi na kailangan pang mamili?

Feelings: The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon