It All Started at the Book Store

5.6K 107 32
                                    

Chapter 1

It all started at the bookstore.

Sa tuwing nakakagising ako ng mas maaga, I always drop by this old bookstore before I go to school. Hindi ako bibili ng libro, kundi mag i-indian sit ako sa pinakadulong sulok ng store, ia-adjust yung salamin ko na nahuhulog sa ilong ko, tapos ay patagong magbabasa.

Pag oras na para pumasok ay isasara ko na ito pero tatandaan ko yung huling page na binasa ko at nakangiting lalabas ng store na para bang wala lang akong nakitang magandang bilhin. And with that, buo na ang araw ko.

Pero isang umaga, imbes yata na gumanda ang araw ko ay masisira pa.

"Excuse me, pwesto ko yan." Mataray na sabe ko sa lalaking nakatungo na nagbabasa ng libro. Pasipol sipol pa man din akong pumasok ng store para ipagpatuloy ang naudlot kong adventure sa librong binabasa ko tapos pagdating ko ay may nakaupo na sa trono ko.

Nakapamewang ako nang dahan dahan niyang iangat yung ulo niya. Mahaba yung buhok niyang dark brown, gulo gulo at umaabot sa leeg niya pero anggwapo niya tignan, nakasalamin din siya tulad ko, pero kitang kita ko kung gano kaganda yung mga mata niya, yung matangos niyang ilong, at yung gwapo niyang mukha.

"Excuse me din, pero wala ang pangalan mo dito" Masungit niyang sabe. Anggwapo ng boses niya, manly pero smooth.

"Pero araw araw ako nakapwesto diyan, tanong mo pa dun sa counter!"

I saw him smirked "Talaga? Alam nilang nagbabasa ka ng libro dito ng patago?" Sabe niyang medyo nilakasan pa yung boses.

"Shhh!!" Dali dali kong tinakpan yung bibig niya ng kamay ko, napaluhod tuloy ako sa sahig, anlapit na tuloy ng mukha namin sa isa't isa. Di ko naisip yun! Pano nga naman niya itatanong, ede nalamang ginagawa kong library tong bookstore. Pero kasi pwesto ko yan eh, di maaari ito! "Di mo ba alam yung word na secrecy! Parang ikaw di mo ginagawa yan ngayon ah." Pabulong kong sabe habang pinanlalakihan siya ng mata.

Mas lalo akong nainis nang tumawa siya ng mahina habang nakatingin sakin. Ang cute niya habang naniningkit yung mata niya. Nahihiyang tinanggal ko tuloy yung pagkakatakip ng kamay ko sa bibig niya. Pero tawa pa rin siya ng tawa. Inis na lang akong tumayo at tumalikod. He stopped laughing "W-wait" tawag pa niya pero di ko pinansin.

"Oona! dyan na lang ako sa kabilang sulok! Grabe napaka gentleman!" Inis pero mahinang sabe ko. Hinanap ko na yung librong madalas kong basahin, pero wala talaga, imposible namang may bumili non. Hanggang sa napalingon ako and I saw him handing it to me.

"Eto yung hinahanap mo diba?" Nakangiti niyang sabe "It's okay, I'm just kidding. You can take the space now."

Nakairap kong kinuha yung libro pero pag talikod ko ay pinipigilan kong mapangiti. Umupo na ako dun sa 'trono' ko tapos ay nagsimula nang ipagpatuloy yung binabasa ko. Nagulat na lang ako nang umupo din siya sa tabi ko at may libro ding hawak. Di ko na lang siya pinansin. Ini-adjust ko yung salamin ko, nakita ko sa gilid kong in-adjust din nya yung kanya. Nilingon ko siya at tinignan ng masama, but he just winked at me.

I didn't feel uneasy, infact with an unknown reason, I felt comfortable that time.

----

Since then, tuwing pupunta ko don, lage ko na rin siya makikitang nagbabasa dun. Pero hindi niya na ino-occupy yung pwesto ko, laging may space para sakin tapos ay sabay kaming magbabasa. Minsan excited nakong pumunta don dahil sakanya, mga 30 percent lang naman. Okaya naman ma didisappoint ako pag nadatnan kong wala pa siya dun.

Nalaman kong parehas pala kame ng school, and we're in the same batch. Di kase ako aware sa paligid ko, at ganun din siya. Matangkad siya pero palagi siyang nakatungo. Parehas kami, halos di kami interesado sa mga tao sa paligid naming, may sariling mundo at tahimik. Dun palang nag kakasundo na kami, we share the same interests and I just feel genuinely happy when I'm with him. Nag karoon agad ako ng instant bestfriend, kakulitan, kasabay mag lunch, mag recess at magbasa o mag aral sa library. Heraman kami ng libro okaya madalas kami manuod ng movies. Walang pakealam samin yung mundo, at mas lalong wala kaming pakealam sakanila.

It All Started at the Book StoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon