Pagkalabas na pagkalabas namin ni Jaco sa resthouse, nag aantay na saamin yung van. Biglang bumukas ng malaki yung pinto nito at binulaga kami ni Marcus at Kim. Nasa pinakalikod si Erik at Shane. Dahil nasa driver's at passenger's seat parin ang bestfriend ko at si Ronel.
"Oy oy oyyyy. Natagalan ata kayo mga brad ah." Tumataas taas ang kilay na sabi ni Marcus at may nakakalokong ngiti.
"Brad naman, syempre nagbihis pa yung tao." Natatawang depensa ni Jaco, habang naglalakad kami palapit sakanila.
"Ayown, magbibihis pa nga naman." Dagdag pang asar pa ni Marcus na ikinatawa ni Ronel at Kim. Umuusok ang ilong na nagbaba ng bintana si Debby sa passenger's seat. Pati si Shane at Erik ay nakasilip na rin sa likod.
"Marcus wag ka nga! Aria, bilisan mo na. Dapat ako nalang sumundo sayo e." Naiinis na sabi ni Debby.
"Kaya pala mi pa hawak hawak pa braso ni Jaco itong chi Aria. Ahay!" Nabubulol na sabi ni Kim habang napapasuntok pa sa ere.
Dun ko lang din napansin na nakakapit pa rin ako sa braso ni Jaco. Napabitiw naman ako agad. Nakarating na kami sa kotse at binatukan lang ni Jaco yung dalawang ugok na tawa pa rin nang tawa.
In-incline ni Marcus yung upuan para makadaan ako at maupo sa likod. Napahinto ako agad dahil magkakatabi kami ni Erik, habang sa kabila naman niya si Shane.
"Ako na dyan Aria, para tabi kayo ni lover boy sa harap." Nakangiting sabi ni Marcus.
"Si Aria na sa harap, at ako na sa likod dahil baka di na siya komportable sa mga pang aasar niyo." Napapailing na sabi ni Jaco.
"Gentleman naman pala ito chi Oppa ko e." Pahabol pa ni Kim.
"N-no, okay lang." Tapos ay agad na akong umupo sa likod, katabi ni Erik na kanina pa walang kibo. Kahit sino naman ang katabi ko, I would insist at di na ako mag iinarte dahil ako na ang mas malapit. I'm just being practical at ayoko naman na maapektuhan ang trip na to dahil sa emotions ko.
Umandar na yung Van, sobrang lapit lang naman daw ng byahe kaya si Ronel na din ang nag drive, gina guide na lang siya ni Marcus, papunta sa favorite niyang bar kung san maraming chicks, at drinks. Nag insist na si Marcus na mag van kasi baka gumapang daw kami lahat mamaya pauwi.
Sa saglit na byahe, medyo naiilang ako sa dalawang katabi ko. Nakaakbay si Erik kay Shane pero parang mas magkadikit pa kami ni Erik. Sumiksik pa ako ng konti sa may bintana at tumingin na lang sa mga punong nadadaanan namin. Di ba ganun sa probinsya, may mga white lady na naglalakad sa damuhan o sa madidilim na lugar, naghahanap ng pansin ng mga turistang dadaan. Naramdaman ko na para bang may kanina pang nagmamasid sakin. Tumayo yung balahibo ko sa batok.
Umiwas agad ako ng tingin sa bintana, pero napalingon ako kay Erik. At siya yung multo. He was intently looking at me, na para bang binabasa niya ako. Nag iwas ako ng tingin.
First of all, ladies and gentlemen. Katabi lang namin yung girlfriend niya. Second of all, yung girlfriend niya na ni hindi niya man lang ako pinakilala as bestfriend. Third of all!!! Bestfriend?? At ako ang pinaka clueless. Mabuti sana kung hindi kami nagkasama netong nakaraan. Kung di kami nag arcade, kung di ko siya tinuruan for exams, kung di kami nag skate. Ugh. I have all the right to be mad.
Then I felt his hand on my hand. He didn't clasp it, he just held it. Napatingin ako sakanya pero hindi na siya nakatingin. Bumilis bigla yung tibok ng puso ko. Aria, bestfriend. Agad kong binawi yun at sumiksik pa lalo sa may bintana. Nag upong fx din ako para mas dama.
Kaya nung nakarating kami sa bar, dama ko din pamamanhid ng pwet ko. Kaya bumaba agad ako pag kabukas na pagkabukas ng pinto ng kotse.
Naunang bumaba yung boys. Hinanap ko agad si Jaco dahil siya ang radar ko for tonight. Kung hindi baka maging castaway ako sa isla na to. Mas okay nang umuwi akong walang cellphone kesa hindi makauwi.
BINABASA MO ANG
It All Started at the Book Store
Teen FictionKung paanong sa simpleng book store ay nabago ang buhay ko. Pisting mga Libro! Pisting Tindahan! Pisting bookstore!!!