"Gutom na ako."
That was the first thing that came out of my mouth. Sobrang awkward kasi, parang nag walk out si Erik but no one wants to admit it. So there, i helped them. I gave them an unsure smile habang nakahawak sa tiyan ko.
"Gosh! Oonga ano. Di ka nakapag dinner Ari. Tara, i order kita." Pag salo ni Debby.
"Ah, hindi na. Maghahanap na lang ako ng malapit na kainan sa labas. Wala silang rice e." Sabi ko at kinuha yung wallet ko at dali daling nag paalam.
I just wanted to be alone. Sorry guys, magsama sama kayong mga awkward kayo, mga awkward na tao, awkward!
I walked with long strides, not even knowing where I actually want to go. I walked near the bay of the beach, letting the subtle waves of salt water touch my feet, immediately washing away the footsteps I leave in the sand.
Halata ba, nagda drama ako. Dumadampi pa yung malamig na hangin sa pisngi ko at nililipad lipad yung buhok ko.
I don't even know what to feel. I waited for Erik. Unapollogetically. Nasaktan ako pero wala kasi akong time mag mukmok, kaya ibinuhos ko na lang sa pag r-reach out sakanya. Hanggang sa nandun na ako sa constant state of waiting. At nung bumalik siya, I was awaken from that constant state. Bumalik yung umaasa kong puso, na maybe it's already my time to shine!
Pero hindi pala. Hindi pa rin tapos yung pag paparusa ni Erik sa inosente kong puso. My heart was broken again, para bang kailangan ko pa ulit mag effort para ibalik yung dati, na hindi ko maintindihan kung bat kailangan mawala na lang ng ganun ganun? I can't express my feelings for him freely kasi I can also feel that he is holding back, and the fact that he is holding back means something. Na baka totoo talaga yung nasa sulat dati. Maybe there's still more to what we can be. Pero that pretentious man just won't take my lead and be honest.
From there I thought na wala na akong ikakawasak pa. Then I saw him with another girl. What a very rare sight to see, man. Gusto kong mapatakip ng mata.
Kasi mas masakit palang makita kaysa marinig, na wala lang pala talaga ako sakanya.
Assumera ka kasi! Assumerang gutom. Wala sa sariling bumalik ako sa kabihasnan at pumunta sa hotdog stands. Di ako makapag concentrate sa monologue ko kung kumukulo yung tyan ko.
Turn ko na mag order, nang biglang may sumagi sakin at sumingit.
"Aray!" Kinabig din niya ako bigla palapit sakanya.
"Isang jumbo hotdog para sakanya, kuya." Napalingon ako sa hubad at basang katawan ni Jaco, bago lumanding yung mga mata ko sa nang aasar nyang mukha.
I cringed at him. Kahit ang totoo ay nahihiya ako. Inabot na sakanya yung hotdog at inabot naman niya sakin.
"Wag na, sayo na yan bibili na lang ako ng sakin. Singit!" Tapos ay kumawala ako sa mainit na bisig niya.
"Sayo na. Meron na ko nyang jumbo hotdog." He said it matter of factly.
Nanlaki ang mata ko at napaubo naman si kuyang nagtitinda. Kawawa naman yung mga susunod na bibili, naubuhan yung grill. Tingin ko kainin ko na nga tong hotdog na inaalay sakin ni Jaco.
Inabot ko na yung jumbo hotdog at hinila ko na siya paalis.
Napansin ko na nakashorts na lang siya at basa na siya. Hindi kami nag uusap, parehas lang kami naglalakad papuntang pampang.
Nagmamadali kong kinain yung hotdog. I decided to go for a swim. Maliwanag naman yung dagat dahil marami rami din ang establishments sa paligid. Huminto ako malapit sa tubig. Tinanggal ko yung pagkakaribbon ng maxi dress ko, I was left with my bikini top and shorts. Nilapag ko yung dress sa sand kung san medyo malayo para hindi mabasa tapos ay tumakbo na ako sa tubig.
Nagulat ako nang may humatak sa kamay ko.
"Bawal kita iwala right?" Jaco said with a playful smile on his face. Napa nganga ako kaya siya naman ang humatak sakin palapit sa tubig. "Let's go!"
I smiled tapos ay tumakbo kami parehas hanggang sa bandang leeg na namin yung tubig. We were both laughing dahil halos magkanda patid patid kami sa pagtakbo.
Pagtingin ko sakanya ay nakatingin din siya sakin. A gleam of the moonlight is striking his beautiful face. Naisip ko bigla si Erik. I've always dreamt of having this kind of memories with him.
Another point for you, Donut! Erik, still Zero!! Enk!
"Brrr. Ang lamig." I broke yet another awkward moment in the making. Napapakurap kurap ang matang napalayo siya sakin.
"I"ll buy you coffee." He said with a hint of smile on his face. We swam back to the seashore, naupo ako katabi ng maxi dress ko and he went for our coffee.
Nanunuod lang ako sa paghampas ng alon sa dalampasigan at hinahantay ang mainit kong kape.
"Aria!! Aria? Nasan ka!" Dinig ko mula sa malayo.
Pag lingon ko, it's Erik. Napatayo ako. Para siyang naghahanap ng nawawalang bata. Kulang na lang ipagtanong niya na ako pati sa mga inaanod na seaweeds sa dalampasigan.
His eyes landed on me. I saw relief in his face. Tumakbo siya agad sakin. Napatingin pa ito sa suot ko at medyo namula yung mukha niya. Mukha siyang nahiya but nevertheless.. he hugged me. Nakatulala lang ako sa nangyayari.
"Akala ko nawala ka na." He said out of breath. "Lagi ka pa naman naliligaw. Akala ko talaga. Thank God." Humiwalay siya sa pagkakayakap sakin at hinawakan ako sa mukha at ngumiti. I looked at him.
Then I remembered, he is not the same Erik I knew. Para bang ang laki ng parte ng buhay niya na hindi ako kasama. Which is totally fine with me, there really are eople who grow apart but when they see each other again, their growth complements. Pero yung kay Erik para bang intentionally, he put me aside. Masakit aminin pero, hindi na siya yung bestfriend ko. Marami nang nagbago sa aming dalawa. Yung bestfriend ko lagi akong inuuna, yung bestfriend ko hindi nagpapadala sa emosyon, at higit sa lahat, yung bestfriend ko, ako yung mahal.
"Aria! Kape mo." Napalingon kami kay Jaco, his smile slowly faded nang makita niya si Erik. Lumapit ako kay Jaco at kinuha yung kape ko na nasa styrofoam at nagpasalamat.
"Close pala kayo?" Takang tanong ni Jaco.
"Kanina pa kayo magkasama?" Tanong ni Erik, walang emosyon. Halatang gulat din siya sa pagsulpot ni Jaco.
"Uhm, oo. Baka kasi mawala siya e. Kaya sinundan ko." Inosenteng sagot ni Jaco.
"Ganun ba? Kanina pa din kasi ako alalang alala e. Halos mabaliw na ako kakahanap, kasama mo lang pala. Di mo man lang ibinalik sa bar?" Nanghahamon nang sabi ni Erik.
"Akala ko kasi okay lang, dahil kasama ko nanaman siya. Teka, close pala kayo?" Di makapaniwala si Jaco.
"Childhood friends." Kibit balikat na sagot ni Erik. "Ganito pre, ako na munang bahala sakanya. You don't know how to handle her when she's tipsy." Sabi pa ni Erik. Kumunot na ang kalmadong mukha ni Jaco.
"K-kung ganun, mauna na muna siguro akong bumalik." Tumingin lang sakin si Jaco tapos ay naglakad na pabalik sa bar.
Wala sa sariling naglakad ako pasunod sakanya, pero may humatak sa kamay ko. Si Erik.
"Aria, dito ka lang."
Author's note: hope you liked it!! Thanks for reading. I would love to read your comments and reactions! 😘
BINABASA MO ANG
It All Started at the Book Store
Fiksi RemajaKung paanong sa simpleng book store ay nabago ang buhay ko. Pisting mga Libro! Pisting Tindahan! Pisting bookstore!!!