SJ Someone's Jealous.

1.2K 93 26
                                    

 A/N: Happy reading! :)

“That’s all for today. Goodbye.”

Nagulantang ako sa pagdedeliryo ko between consciousness and sleep nang hampasin ako ni Debby ng libro sa bumbunan.

“Girl! Napakasipag mo nanaman yata nitong mga nakaraang araw at wala ka nanamang tulog. Umayos ka nga, salita ako nang salita dito tas di ka naman pala nakikinig at papunta ka na pala sa dreamland bruha ka.”

“S-sorry! Di kase ako makatulog, makakatulog ka pa ba kung reality is better than your dreams na?” Tumawa pa ko ng mahina habang nag iinat. “Nga pala ano yung sinasabe mo?”

“Tsss. Baliw ka na. Sumama lang sayo sa arcade kahapon yung tao eh.” Nakakunot noo niyang sabe. “Ang sabe ko, una nakong umuwi. It-tweet ko pa yung katangahan mo nanaman dyan sa bestfriend mo. Babush!” At nagmamamadali siyang lumabas ng room, napapailing na lang ako.

Nag ayos na ko ng gamit. Makauwi na nga rin. Ako na lang ata natira dito sa room. Naalala ko si Erik. Bestfriends na ba ulit kami? Pero sabe niya wag ko na daw siya lapitna ulit. Nalungkot ako bigla. Bakit ba kasi?

Nakayukong nilandas ko ang daan palabas ng room nang may humawak sa braso ko. Nanigas ang buong pagkatao ko. Mumu! Pero pag lingon ko…

“Ay tipaklong na gwapo!” Napatakip ako ng bibig. Ano ba yang mga pinagsasasabe ko. Dapat mag isip na ako ng baong outburst pag nagugulat.

“R-ronel! Ikaw pala! Hehe” Nakangiti kong sabe sakanya. Kala niyo si Erik noh, ako din eh. Pero mga 10 percent lang, kasi di ko naman talaga kaklase si Erik sa subject na to eh.

“Ako nga.” Natatawang sabe niya, lumabas pa yung dimple niya sa isang pisngi.

“Hi. Hehe. So, pano? Uuwi ka na rin ba?” Simula nung dramatic scene namin ni Erik sa ulan including Ronel, ay walang nagbago samin. Lalo na’t magkaklase kami sa iilang subject. Nung una di ko alam ano iaaakto ko sa harap niya pero he makes sure na di ako maiilang. Sometimes, he even comforts me pag naiisip ko si Erik. And he didn’t pursue the topic about him liking me anymore. He’s a very good friend now at halos kuya ko na siya.

“Ah, actually gusto ko sana humingi ng pabor. Di ko kase maintindihan yung lesson these past few days. Pakialalayan mo naman ako oh. Ayokong mawala sa pagka dean’s lister.” Hopeful niyang sabe.

“Ha? Asus! Yun lang pala eh. Yakang yaka natin yan. Namiss ko na rin yung words of wisdom mo eh.” Nakangiti kong sabe. Natawa lang siya.

We end up at a coffee shop. Kahit ako yung nagtuturo ay nag eenjoy din ako, andali kase niya turuan di tulad ni Erik, puro joke muna. Come to think of it, mas nag eenjoy talaga ko kay Erik. Haaay bigla ko siyang namiss.

“Haaaay! Grabe, andali mo turuan. Ang aga natin natapos oh. Bakit ka ba nawawala wala sa focus eh kayang kaya mo naman?” Tanong ko ng nag iinat inat pa.

Nakita kong parang nagblush yung maputing mukha ni Ronel at pinipigil niya yung ngiti niya at nag iwas ng tingin.

“PAAAK! Teka teka. Parang alam ko na to! Hahaha! Inlababo ka noh?” Hindi siya sumagot but I saw him stirred. “Aba’t talaga namang! Yiiieee! Silence means Yes! Yes Yeeeees!”

“Sabe na nga ba eh. Ikaw pa, walang makakalusot sayo. Oo na.” Tatawa tawang sabe ni Ronel. “Oh pano, tara na?”

“Teka! Mag kwento ka muna, ikaw ha nag lilihim ka na sakin.” Tatawa tawang sabe ko.

“Next time na lang, confidential muna yung issue ngayon.” Kumindat pa siya. “Di ka pa ba uuwi?” Dagdag niya.

“Ayy mauna na lang yung taong inlababo dyan. Ubusin ko pa tong coffee, sayang. Hehe.” Binigyan ko pa siya ng malaking ngiti. Napailing iling na lang siya at nag paalam na rin.

It All Started at the Book StoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon