Chapter 2
Nagulat ako sa nabasa kong sulat. Tsaka ko lang nakita yung texts ni Erik saying na wag muna ako umuwi at antayin ko siya, hanggang 5 oclock.
Tinadtad ko agad si Erik ng text at tawag pagkauwing pagkauwi ko, pero ni isa wala siyang sinagot. Gusto kong linawin lahat. Gusto kong sabihin na sorry, at higit sa lahat gusto kong sabihin na mahal ko rin sya. My heart is celebrating, but it can't celebrate enough knowing that I may have hurt him. Halos di ako makatulog ng gabing yon.
Hanggang sa dumating yung araw ng graduation. Maihi-ihi ako sa kagustuhan na makausap at makita siya, kahit di ko naman talaga alam ang sasabihin o kung san ako magsisimula.
Tinatawag na yung mga estudyante sa stage, pero wala pa rin siya. Akala ko nga rin late lang siya at baka napunta siya sa bandang likod, pero..
“Jan Erik D. Javier” Tawag nung nagsasalita sa stage. Halos magkandahaba na yung leeg ko para makita kung nasan naba siya, pero.. Wala. Hindi umattend si Erik.
Sobrang nag-aalala na ko, naguguluhan, feeling ewan na ako. Dahil pa rin ba sa kahapon? Kaya pati graduation inindian niya? Batok talaga abot sakin nun pag nagkita kame kala niya!
Pagkatapos na pagkatapos nung graduation , dumiretso agad ako sa kanila. Hindi na ko nakisali sa mga ka ek-ekan ng mga graduates. Halos mapatid patid na ko sa toga ko makarating lang sa bahay nila.
“Erik! Erik! Si Aria to! Erik!” Tawag ko sa labas ng bahay nila habang panaka nakang pumipindot sa door bell.
Nakarinig ako ng bukas ng pinto. Si Manang Inday pala.
“Oh, A-aria? Naparito ka’t gabi na?” Tanong nito na halos pumipikit na yung mata sa katandaan.
“Manang, si Erik ho? Alam niyo ho yang alaga niyo, hindi ho nyan sinasagot yung texts ko, yung mga emails ko, nakuuu! manang pati yung mga tawag ko! tsaka—“
“Iha.. Iha! Huminahon ka. Baka akalain ng mga kapitbahay may sunog.”
Nahihiyang napakamot na lang ako sa batok.
“Naku, iha. Eh.. U-umalis na sila, kagabi pa. Ayaw pa nga sanang sumama sa mga mama niya hangga’t di ka daw nakakausap. I-ibig sabihin di pa kayo nagkausap?” Dagdag ni manang Inday na halos ikatumba ko dahil sa panghihina ng tuhod ko.
Bakit andaya daya mo Erik? Umalis ka ng wala man lang pasabi? Gusto ko din makaranas ng snow noh! Kung isinama mo ako ede sana magbabatuhan tayo ng snow, tapos magtatawanan tayo, tapos..
Tapos .. sasabihin ko na sayo yung nararamdaman ko.
Kelan ka ba babalik.. Erik?
“Aria! May bago daw estudyante! Pogi daw girl! Tignan natin, sama ka?” Kalabit sakin ng kaibigan kong si Debby kaya napabalikwas ako sa pagkakatungo sa desk ko. Gabi na kase ko nakatulog kagabi, ang hirap pala ng college, lalo na’t 2nd year na ko ngayon.
“Naku po!! Nakalimutan kong e-email si Erik kaninang umaga. Naku naman!!” Sabe kong ginulo gulo pa yung buhok ko sa inis. Halos di ko na napansin yung sinabe niya kanina.
“Naku girl, isang taon ka nang di maka get over dyan kay Erik. Eh ni isang reply naman wala kang natatanggap. Highschool pa lang tayo nun.” Nang aalong sabi ni Debby, ka schoolmate rin kasi namin siya ni Erik nung highschool. Naging close lang kami kase kahit anong iwas ko sakanya mula nung highschool di niya ko tinatanan, she can see the beauty in me behind those eyeglasses daw. Kala ko kasi nun puro ka kikay-an lang alam niya, may sense rin pala siyang tao.
Malungkot ko lang siyang tinignan. “Wag ka ngang gumanyan, angganda ganda mo eh. Ano sama ka ba? Malay mo siya na pala yung mr. right mo at hindi si Erik.” Sabe niya habang inaayos yung buhok kong nagulo. Walang gana kong itinayo yung katawan ko, total ako lang mag-isa maiiwan sa room, sama na rin ako.
BINABASA MO ANG
It All Started at the Book Store
Novela JuvenilKung paanong sa simpleng book store ay nabago ang buhay ko. Pisting mga Libro! Pisting Tindahan! Pisting bookstore!!!