The Unexpected.

1.3K 73 32
                                    

A/N: Yeeey! New update, Sorry po kung akala niyo ay pinabayaan ko na to. Akala niyo lang yun noh! Hahaha. Pero eto na po talaga siya! Enjoooy! :)

------

“Huy girl. Lage ka na lang tulala. Kundi ka logtu, nag d-daydream ka.” Nakangiting bati sakin ni Debby na natatawa pa. Nilapag niya yung tray sa harap ko at naupo na rin. Nasa canteen kame ngayon. At simula kaninang umaga, goodvibes na goodvibes na siya.

Samantalang ako, iniisip ko pa rin yung sinabe ni Erik nung nakaraang araw. Tapos pag tapos nun, kung umakto siya parang wala siyang sinabeng ganun. Puro pang iinis nanaman siya, kaya nga umalis rin agad ako sa kanila. Umalis ako ng may baong ngiti. Yung mga pang iinis niya na namiss ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko sa sinabe niya o ano. Duh? Kaibigan ko si Ronel. Ang gulo kasi niya!

“A-ah, wala yun.” Napapakamot sa ulong sabe ko habang natatawa nang mapansin kong ambagal ko sumagot. Kumagat ako sa tinapay ko.

“Anong wala. Ikaw ha! Naglilihim ka na ata sakin eh.” Nakangiti pa ring sabe niya. Yung ngiting kahit siguro hingan ko siya bente bibigyan niya ko ng walang tanong tanong. Blooming yata siya ngayon, parang may iba talaga eh. Napatingin tuloy ako ng matagal sa mukha niya. Nag iwas naman siya ng tingin.

“T-teka Debs, lipglosh ba yam? Tyaka yang nasa pisngi mo, blush on ma yan?” Tanong kong punong puno ng pagkain yung bibig. Tinuro ko pa yung mukha niya nang nakakunot ang noo. Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong tama ang hinala ko. Agad kong nilunok yung pagkain ko. “Ikaw ha!” Tinapik ko ng malakas yung table. “Ikaw yata may nililihim eh.”

“A-ano bang sinasabe mo dyan. Ano naman ngayon. I-ikaw lang naman ang nagpapaiwan sa henerasyon ngayon.” Kunwaring galit pang sabe niya pero nahihiya pa rin siya. Hindi naman siya ganyan na nag me make-up.

“Hmm.. I smell something fishy Debs. San ka nagpunta nung isang araw na maaga kang umuwi?” Nanlalaki yung matang tanong ko.

“A-anong ibig mong sabihin, na nag papart time job ako na tinder ng isda? Anong tingin mo sakin girl—Aray!” Binatukan ko naman siya.

“Gaga hindi! Pero pag iyan talaga, nalaman ko Debby.” Sabe ko ng may knowing na tingin.

“G-gumawa ka na lang ng assignment natin, kesa kung ano anong hypothesis ang nabubuo dyan sa utak mo noh!”

“Tapos na, kasabay ko gumawa si Ronel nung isang araw.” Sabe ko habang inoobserbahan yung reaksiyon niya.

“S-sino kamo?!” Napatingin ako sakanya at kitang kita ko kung pano nawala yung ngiti niya sa labi at napalitan ng gulat na Debby.

“Ha? Si Ronel. Bakit ba?” Sabe kong painosente.

“W-wala.” Sabe niya tapos ay yumuko at inipit yung buhok niya sa tenga.

“Aha!” Hinampas ko sa mesa yung dalawang kamay ko sabay tayo. Nawala yung ingay sa paligid ng cafeteria tapos ay nakangangang nakatingin sakin lahat ng tao. Nawala agad yung ngiti ko at nahihiyang bumalik sa pagkakaupo.

Pagkakita ko kay Debby ay nakangiti siya at pinipigilan niya yung tawa niya. “Tawa tawa ka dyan. Sabe na eh. Sabe ko na talaga!” Pabulong kong sabi na biglang nagpawala ng ngiti niya.

“B-bakit? Aria?” Nag aalalang tanong niya.

“That explains it all. Kaya pala ang aga mong umuwi nung isang araw. Tapos, tapos nung araw na yon, inaya ako magkape ni Ronel para magpaturo sa mga subjects. Tapos nag mamadali din siya umuwi. Tapos tapos…” Hysteric na bulong ko na halos sa sarili ko lang sinasabe. Binaling ko yung tingin ko kay Debby. “Umamin ka nga sakin Debs!” Sabi kong pinipigilan yung ngiti ko dahil masaya talaga ako para sakanila.

It All Started at the Book StoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon