Chapter 3

130 3 2
                                    

Haiiist! Ang tagal naman dumating ni Manong Driver! Jusko! Akala mo naman napaka dami namin magpapahatid sundo, Hindi no! Ako lang ang sumasakay dun sa van na yun. Syempre ako may ari eh.. Duhh.

*Beeeep* *Beeeep*

Ayan na sa wakas dumating na si Manong Driver. Napaka Slow poke kasi -___- .. Sumakay na kami sa Van as usual ako ang nasa harap at yung tatlong baliw ang nasa back seat.

"Ma'am san po tayo pupunta?"

"Sa Bahay na"

"Sige po"

Hindi ko pa pala nasasabi sainyo kung paano kami nagkakilala netong mga baliw na to no? At dahil wala akong magawa at bored pa ako ngayon ikwekwento ko na sainyo. Ganito kasi yun.. saglit lang.

"Manong, pakibukas naman yung radyo"

Okay so ganito kasi yun.. Teka pano nga ba? Ay ! wait. halaa. nakalimutan ko! Ay wait! natandaan ko na! ^__^ (Utang na loob Ria ikwento mo na) O sige na nga! .. Isang araw..

*Errrr.. Bugsshh.. Zwing.. Zwiiing.. Eruuuu.. Eruuu..* (Time machine nga pala) ;)

*PAST TIME* Before 6 years

Nandito ako ngayon sa swing ng playground sa village na tinitirhan ko kumakain ng ice cream. Ang init init kasi ! syempre summer na ngayon eh. Sino ba mag eexpect na lumamig ngayong panahon? Hmmm.. Bakit hindi ako nagbabakasyon? Kasi yung busy parents ko nasa ibang bansa inaasikaso ung mga dapat asikasuhin kaya wala akong kasama kundi ang guardians ko.. Wala akong masyadong kaibigan. Kasi alam ko naman na kakaibiganin lang nila ako for money.. tsaka baka ikidnapp pa ako. You see? Masyado ako nagiimagine pero inunahan na ako ng takot ko wala na akong magagawa..

So, Eto ako ngayon pa swing swing sa swing ng playground nakatitig lang sa mga bata na naglalaro. I know its weird for my age na hindi ako nakikipag socialize pero its my choice. its my life. I was about to get up then suddenly..

"Tag your it!"

ANAK NG TOKWA !!!

WAAAAH!!! T___T Nahulog ice cream ko! Arrg! sino ba yung nagtulak sakin na yun?! nako nako.. Humanda siya sakin!! Shes gonna pay for this!

May narinig akong tawa sa may likod ko.. nakita ko siya at sinigawan.

"ANO BANG PROBLEMA MO HA?! BAT MO AKO TINULAK?! tignan mo ginawa mo! dahil sayo, nahulog ko yung paborito kong ice cream!!!"

Waaaaah! >3< Vanilla Ice cream! Bat ang aga mong mamatay? :( 

"Pasensya ka na ah? Ganito kasi ako makipagkilala! Yung parang close na tayo kaagad ^__^ Nakita kasi kita na wala kang kasama sa swing so i decided na puntahan ka. para may makausap ka at kung gusto mo bibilhan kita ng panibagong ice cream!" ^___^v

"You dont know me okay?! Hindi ako basta basta nakikipagkaibigan sa mga strangers! Dahil alam kong pineperahan lang ako nun! Tsaka you need to change the way you approach people, Madaming maiinis sayo! Get lost freak! Weirdo!"

Tumalikod na ako para lumayo sakanya.. TSS.. Kinaaawaan nya pa ako.. 

Pero bigla niyang hinawakan kamay ko.

"Parehas pala tayo, Actually dalawa nga lang best friends ko eh dahil may nangyari nung nakaraan at dahil dun takot na takot na ako makipag kaibigan.. Nakita kasi kita nagiisa. At ganyan na ganyan ang itsura ko noon --"  tinuro nya yung swing na inupuan ko. "Dyan ako mismo nakapwesto nung nangyare yung 'nakaraan' ang galing nga eh kasi parehas din tayong kumakain ng ice cream nun. wag mo nang tanungin kung ano yung nanyare dati.. Pasensya ka na sa ginawa ko ha? Hindi ko naman sinasadya.. Gusto ko lang sana ikaw tulungan.. Kaso parang hindi ka interesado.. Sorry ah"

Make me your PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon