Chapter 4

116 3 1
                                        

"MAG EXERCISE TAYO TUWING UMAGA!!! TUWING UMAGA!!! TUWING UMAGA!!! MAG EXERCISE TAYO TUWING UMAGA!!! TU --" Sophia

TSS!! Napakaganda naman ng 'Good Morning' nila sakin.. NAKAKATUWA grabe. =__=" Napabangon tuloy ako ng wala sa oras..

"HOY SOPHIA ! BUNGANGA MO NAPAKALAKI! KASHA NA ISANG BOLA! TUMAHIMIK KA NGA!"

"Depende kung anong bola.. Bola ng tennis.. Bola ng table tennis.. Bo --" -Sophia

"BOLA NG BASKETBALL!"

"WAAAH!!! TT___TT Your so mean to me Ria'Babe T_T Di mo na ako love?" -Sophia

"Bat ka ba andito sa kwarto?"

"Kakain na tayo! ^___^"

Kain? Time check.. Tumingin ako sa orasan sa pader ng kwarto ko.. 10:00 am. Makakain na nga.

"Asan na yung dalawa?"

"Kinakausap yung Boyfriend mo" -Sophia

"Ahh.. Oka --" Teka Boyfriend?! "ANO?! ANONG BOYFRIEND?!"

"Yung sinampal mo sa Starbucks ^___^ KYAAAH!!! Your so lucky!!! He so so so Handsome!!! Marry him na Ria! WAAAHH!!! Ano kaya nasa ilalim ng shirt na yun? 6 pandesal o 8 pandesal? WAAHH!! Nakakagutom! *O*" - Sophia

Sinampal? Sa Starbucks? .. Pandesal? .. Haa? .. Sino siya? THINK ! THINK ! THINK !

O___________O

"ANDITO SIYA?!"

"Ay hindi Ria -__-" Wala siya dito, Siguro yung twin brother nya andito" - Sophia

"Wala akong oras makipaglokohan! Sophia! Bakit siya andito?!"

"Hindi ko alam! Gosh. Hindi ba sumasakit lalamunan mo sa kakasigaw mo?" -Sophia

"Eh ikaw, Hindi ba sumakit lalamunan mo nung kumanta ka ng 'Mag exercise tayo'?!"

"....." - Sophia

HAIST! Bat siya andito?! Tsaka pano nya nalaman kung nasan bahay ko?! WAAH!! T^T May stalker ako! Pero.. Bat ang gwapo? .. O___O ERASE ERASE! WAAAH!!! Sumasabog na ulo ko. -___-" Teka asan yung dalawa? o.O sabi ni sophia kinakausap daw.. WAAAH!! Baka kung ano gawin nila dun sa lalakeng yun! Kawawa naman! wala naman siyang kasalanan eh! Kailangan ko silang puntahan!

Tumakbo na ako palabas ng kwarto ko.. At sure na sure ako sa nakita ko.. Isang lalake nakaupo sa Sofa nanlalaki ang mata sa dalawang babaeng nasa harap nya.. OH NO T__T Ano ba tong nangyare sakin?! Eat me alive!!

Tumakbo na ako pababa sa hagdanan at lumapit sakanila .. Yung muka nyaaa *O* Yung FES! Ang sarap hawakan.. OMOOO O__O" Touch it.. Touch it..

WAH ERASE ERASE ERASE!

"Bat ka andito!?"

"Good Morning to you too Babe" 

BABE?! BABE?! 

*DUG*DUG*DUG*DUG

WAAAHH!!! Puso ko! Puso! *Inhale*Exhale*Inhale*Exhale

"Hindi ako nakikipaglokohan! Pano mo nalaman bahay ko ha?! Stalker ka ba?! Ano bang kailangan mo?! Leave me alone! Kalimutan mo na yung nangyare sa Starbucks! sabing D-A-R-E .. DARE lang yun!"

"Girls, Hobby ba talaga niyang sumigaw?"

Tumingin siya kay Louie at Pat.. At nag yes sila sa tanong ni Boy Stalker.. GRR. Patay sila sakin mamaya T__T"

"And for you Babe.. Lets talk outside, Shall we?"

Sasayaw ba kami ha?! Eh kung ilublob ko siya ngayon sa inidoro! Tsaka, Assuming lang? Maka-Babe wagas! parang walang bukas!

Tumayo siya at lumabas sa bahay namin, Sumunod ako sakanya sa labas at nagusap kami.

"Hey Girly, Gusto mo na malaman mo na lahat ng sinasabi ko ay masusunod.. Papayag ka na maging FAKE girlfriend ko sa ayaw at sa gusto mo, Okay lang yan. Single naman ako eh"

Aba! Sino inuuto nya?! Si Wako wako?! Sorry siya! Manigas siya kinakatayuan nya hindi ako papayag! NEVER!!! Kung makapag salita! Dyos ka? Pakyu ka eh!

"At bakit kita susundin?! Tsaka, HAHAHAHA! Single ka? Eh ano ngayon?"

Tumingin siya sakin ng masama.. Yung tipong gusto ka na nya patayin sa inis, galit or whatsoever. TATLONG ITLOG! TULUNGAN NYO AKO TT___TT

Lumapit siya sakin at palapit ng palapit na yung muka nya sakin 1 inch nalang pagitan ng muka namin, WAH!!! Bat ang init?! Lumapit pa siya.. NO!!! HINDI ITO PWEDE! HINDI KO PWEDE IBIGAY ANG FIRST KISS KO SAKANYA! NO!!! GAGAWIN KO ANG LAHAT WAG LANG SAKANYA MAPUNTA FIRST KISS KO! Manyak ! manyak alert!

Lumapit siya at may ibinulong sakin. 

"Pag hindi ka sumunod, Hahalikan kita. At ipagkakalat ko sa school mo ang picture na to"

Nilabas nya ang cellphone nya at ipinakita yung pictue na..

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!! TT___TT

Yung picture na natutulog ako! Medyo, Pero onti lang ah! Yung laway ko! Yung laway ko tutulo na! WAAAH!! Masisira reputasyon ko sa St.Mariza School! Wala na akong Choice. -___- Fake Girlfriend lang naman diba? Isang malaking FAKE. Right? Wala naman mangyayareng masama eh T___T Buti nalang may itsura ang magiging FAKE Boyfriend ko.

"Ano babe, Payag ka?"

*DUG*DUG*DUG*DUG

Ayan nanaman yung babe nya! Mariana Sweety Mercado! Ikaw ay magiging Fake Girlfriend ni Boy Stalker simula ngayong araw na to.

"Payag ako, Boy Stalker"

--------------------

AUTHORS NOTE:

WAHH!! Parang Boy Slater lang :"""> yiiee! <3 SLATER !! :D Sino si Slater? Boyfriend ko po. ^___^ HIHI! VOTE.COMMENT.PROMOTE.

XOXO

-Pauline GC.

Make me your PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon