Chapter One: WHAT THE HELL?!

60.2K 637 158
                                    

Chapter 1: WHAT THE HELL?

*Nicko's POV*

"Kuya, yung Cornetto na lang sa akin. Wala naman na atang Drumstick." Nginitian lang ako nung nagbebenta.

"Pasensiya na ha? Wala na kasi yung isang paborito mo eh." Sabay abot nung Cornetto. Masyado akong nahuhumaling sa Ice Cream. Sana hindi ako tumaba.

Aakyat na ako sa classroom kasi iniwanan nanaman ako nung kasama ko. Si Jasmine. Kasi binabantayan niya yung lalaki nag-confess sa akin. Kawawa naman si Joshua, di ako pumapatol sa ganun eh, pangalawa na siya! Hay.

Alam mo yung feeling na didilaan mo na sana yung Ice Cream mo, tapos natamaan ka ng bola? Tapos sa sobrang lakas ng pagtama napa-upo ka pa?

Nagsigawan yung ibang babae sa background. I don't care. Tumayo na ako. Pero may kamay na pumulupot sa akin. Grabe. Okay lang sana kung babae eh. Hindi naman!

"Okay ka lang ba? Sorry ha." sabi ni Aaron sa akin. Pero parang di naman seryoso. May naglalarong ngiti sa lips niya.

Tumango na lang ako. Palagi namang padalos dalos yan eh! Tapos laging ako ata ang pinupuntirya ng pang-aasar!

"Sure ka?" Then he lifted my chin with his hand. Dirty hand.

"Oo, okay lang ako." Sabay yuko para pagpagin yung kamay ko. Tapos nakita ko yung Ice Cream ko nasa lupa na.

"Yung Ice Cream mo, pasensiya na. Bibilhan na lang kita. Paborito mo yung Caramel diba?" sabi niya.

"Okay n--" di ko na natapos kasi may nagsalita sa likuran ko.

"TANG INA NAMAN KASI EH. DAPAT HINAHABOL MO YUNG BOLA! BAKIT KASI PADALOS-DALOS KA?!"

Si Miguel.. Yung unang lalaking nag-confess ng pagmamahal (or feelings?) sa akin. Unexpected naman eh. Kasi siya talaga yung heartthrob sa school namin. May killer smile, pati mata ngumingiti. Tapos tennis player pa. Basta habulin siya ng babae.

"Bakit ka ba nangingialam ha? Ikaw ba si Nicko? Siya nga di nagreklamo tapos ikaw parang binagsakan ka ng starship!" sagot naman ni Aaron.

Eh di sige. Mag-away sila. Nasa gilid naman ako kaya di nila napansing nakaalis na ako.

* * * * *

"Hi Kuya Nicko!!!" sabi nung mga lower years na dinaanan ko. Masyado silang mabait..sa AKIN!

Kumaway lang ako at ngumiti tapos pumasok na ako sa room. Tapos bigla akong sinunggaban ng sino mang engot na ito, at sa mismong gilid ng pinto pa. OUCH.

Pag-angat ko ng mukha ko, si Joshua pala. Yung mga kamay niya nasa parehong gilid ng mukha ko. Magpupumiglas na sana ako pero bigla niyang nilapit yung mukha niya sa tenga ko.

"I know you love me too."

Oooooo-tang na loob! Naka-tingin na lahat ng kaklase ko sa amin. I really felt a blush creeping to my face. Hep. Don't get me wrong. Nakakakiliti kaya yun! :D

I tiptoed. Mas matangkad ako sa kanya kaya tumangkad pa ako lalo nung nag-tiptoe ako. Tapos tinusok ko yung kili-kili niya para pakawalan ako.

Sabay tawa nung mga babae. Tumakbo na ako sa upuan ko para kumuha ng tissue at hinila si Jasmine palabas ng room.

Bumitaw siya sa akin tapos mabilis na tumakbo palabas. Pag-alis ko ng pinto para tumakbo may nakabangga ako. Pareho kaming natumba. Lagot. Tumunog pa. May nabali na ata!

"Pasensiya ka na may hinahabol kas--". Miguel slammed his wet lips on mine, shutting me off.

Sinubukan kong tumayo pero hinila niya yung buhok ko at diniinan pa niya. Ang landi. Nakapatong pa man din ako sa kanya! "HMPP. HMFF. AMDF."

Pagbitaw niya sa akin, bumangon ako agad. Napa-upo ako sa gilid at nag-punas ng nag-punas ng bunganga.

"Uhm? Hi? Mabigat." Holy sh*t. Naupuan ko pala si Joshua. Napa-balikwas nanaman ako! "WHAT THE HELL!!" Sigaw ko at sabay takbo sa Comfort Room.

~~~~~

Uhm? Do you like it po? Please do comment! ((:

-Walter

Haba Ng Hair! (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon