Chapter 11: EXPLANATIONS

17.3K 217 70
                                    

Chapter 11: EXPLANATIONS

*Nicko*

Asus. Paka-assuming na lang talaga tayo mga dudes. Hindi talaga happy ending ang kinalabasan ng storya ko.

Anong role ko dito?

Ano pa nga ba?

Eh di..

FANBOY!

Simula ng insidenteng iyon sa buhay naming tatlo, nagkaroon kami ng special bond.

Ang bestfriend ni Joshua si Miguel. At ang bestfriend ni Miguel, ako. Pero ang bestfriend ko, si Jasmine.

Gets niyo?

Basta galit si Miguel kay Joshua kasi ngaaaa.. kasi ngaaaaaaaa mahal ni Joshua si Miguel. Tapos nakipagclose lang sakin tong si Joshua para mapalapit kay Miguel.

BAKLANG BAKLA DIBA?

Nako.

Di niyo kakayanin.

May kwento ako.

Isang araw nasa canteen kami, kakatapos lang ng isang mahabang exam sa Physics. Tapos may lumapit na babae kay Joshua. Dudes, gandang-ganda ako dun sa babae. May hinaharap! :D And then sabi ba naman:

"Pansinin mo naman ako Joshua, type kita eh. Alam mo naman na yun diba?"

Miguel laughed hysterically.

Tapos biglang sumagot si Joshua. "Sorry ah. Sabi kasi ng isipan ko, boys ang papatusin ko eh. Kaya sorry na lang."

The girl's eyes grew five hundred times in size.

"Joshua, bakla ka?"

"No, I'm gay."

"Hindi!" Nung yayakapin na ng girl si Joshua, humarap si Joshua sa kanina pang tumatawa na si Miguel.

And?

Nako. Sinunggaban ng gutom na bunganga ni Joshua ang lips ng humahalakhak na si Miguel. I assure you, the tongue is proudly involved. Nakanganga kaya si Miguel?

Isang malaking I KNOW RIGHT?! :D Nangatog ang buong kalamnan namin ni Jasmine. Dahil sa pandidiri?

NO.

Dahil yung mga demonyo sa loob ng katawan namin, nagda-dougie. :D

*Joshua*

Actually nung times na yun. Wala ako sa utak ko. I'm right beside the man I love tapos na iintimidate pa ako kasi humahalakhak siya dahil napahiya na ako.

So imbes na patahimikin ko siya gamit ang mahusay kong pananalita. Bunganga ko na lang ang ginamit ko.

Trust me. Hanggang ngayon dinedeny pa rin niya na hindi niya nilabanan yung dila ko. May nalalaman pa nga siyang pakagat-kagat ng lips ko eh. Denial.

*Miguel*

In any account, I will not admit that I kissed him with tongue involved. Kahit masarap, hindi ko matanggap! Anong gusto niyo? Easy to get?

Na-fall lang naman ako kay Nicko kung hindi tatanga-tanga yang si Joshua. Anong magagawa ko kung slow siya? Nadamay pa tuloy si Nicko. Si Nicko na pumagitna sa umuusbong na pagmamahalan namin ni Joshua.

Bumabalik na yung feelings ko kay Joshua. Pero kasi nung week na tinanong niya ako kung pwedeng kami na lang, ngarag na ngarag ang pag-iisip ko noon. May championship sa DotA, may fellowship sa church, tutugtog kami sa banda at may ikakasal akong Tita. San ka pa? Dinaig ko pa si Piolo sa dami ng booking niya. :D Humindi lang ako minsan, nabalitaan ko nag-laslas na siya.

NO doesn't mean NEVER. Sometimes, it means NOT YET.

Kayo kasing mga atat, dapat may game plan. Dapat planado. Dapat pinagtiya-tiyagaan! Kulang na lang kasi i-download niyo na mga syota niyo sa internet eh.

Wait. May Text.

*One Message Received*

Joshua: Pa, san ka na?

Haba Ng Hair! (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon