Chapter Two: Hopes and Dreams :)

36.9K 471 90
                                    

Chapter 2: Hopes and Dreams

*Nicko's POV*

THAT WAS MY FIRST KISS. I NEVER KISSED ANYONE IN MY LIFE BEFORE! I WOULD HAVE GLADLY CHERISHED IT PERO A GUY STOLE MY FIRST KISS.

Tsk. Nandito ako sa CR. Nagmumukmok. As usual, kahit gaano kalinis yun comfort room ng mga gents, the ugly smell is always there.

Nagsalamin lang ako, fixed my unruly hair and washed my face. At nagmumog na rin ako dahil sa halik na binigay sa akin nung taong yun.

Bakit kaya ganun nuh? Possible pala talagang ma-inlove ang isang tao with the same sex. Romantically.

Di naman ako homophobe. Yun yung mga taong ayaw sa third sex kasi pangit sa mata ng Diyos. Well, God never taught us to hate. Love is all that matters.

I'm not really sure how to feel right now. Kasi SOMEHOW, I just like how the guys swoon over me. But I think kissing is something I could ever be comfortable with. Kasi siyempre, lalaki pa rin ako at all costs and for the love of God, I'm sixteen!

Hinawakan ko yung lips ko. At naalala ko kung gaano kahigpit ang pagkakasara ng mata niya habang hinahalikan niya ako.

*Miguel's POV*

First kiss ko yun. Di ko inaasahang hahalikan ko siya. Instincts? Siguro. Unexpected pero may spark naman!

<FLASHBACK>

Natotorpe na ako. Kapag tumitingin siya sa akin di ko maiwasang ma-baliw.

Paano ko ba sasabihin?

"Nicko, pwede humingi ng tips?" text ko sa kanya.

"Sure. Saan ba?"

"Sa love dre."

"Okay? Sige!"

"Natotorpe kasi ako. May mahal ako pero di ko alam ang sasabihin ko kasi baka di niya tanggapin yung feelings ko."

"Ah. Ganun ba? Simple lang yan. Pero ang tanong, single ba siya?"

"Oo. Single siya. So, ano gagawin ko?"

Di na siya nag-relpy. Tsk.

*One Message Received*

"Single naman pala siya eh, ganito. Sabihin mo na sa kanya ngayon na. Sabihin mo na mahal mo siya at gusto mong madevelop pa yun. Tapos sabihin mo kung hindi niya matatanggap yung alok mo, willing kang mag-hintay."

Wow. Nag-effort pa siyang pahabain yung text. Di niya alam sa kanya ko rin lang sasabihin yan. Pero hindi ngayon. Hindi ko pa kaya. Hindi pa ako handa.

[kinabukasan]

"Oh ano? Nakausap mo na ba?" Tanong niya sa akin. Tinignan ko siya. Tapos tinignan niya din ako. Parang kinakapkapan niya yung buong pagkatao ko sa sobrang lalim ng tingin niya sa akin.

Nung aktong mamumula na ako. Tumingin ako sa paligid.

"Hoy! Ano?" sabay siko niya sa may ribs ko. At bigla akong napangiti.

"Hindi pa eh." sagot ko naman. Kami lang dalawa. Dito sa may field. Maaga pa kaya walang masyadong estudyante.

Eto na ang pinakahihintay ko. Sasabihin ko na sa kanya. Kahit di niya ako tanggapin. Ang mahalaga alam niya.

"Nicko...M--ma--mahal kita. Di ko alam pero..." Tinignan ko siya. Napanganga lang siya. At halos lumuwa na yung mata niya.

"A-ANO?!" Sagot niya.

"MAHAL KITA NICKO!"

Katahimikan.

Yumuko na lang ako. Ayaw kong makita yung mukha niyang punong-puno ng pagka-dismaya.

"Pero Miguel, lalaki ka. Lalaki ako. Di tayo pwede." Mas kalmado na siya ngayon. Sabagay, ito din naman yung ineexpect kong imangyari.

"Okay lang. I'm willing to wait."

"Pero Miguel, hindi mo ako pwedeng hintayin kasi hindi ako pwedeng mahulog sayo. Alam kong alam mo yan."

Medyo masakit pakinggan. Tumulo na lang basta yung luha ko habang nakatingin ako sa malayo.

Tumayo si Nicko. Alam kong aalis siya. At ayaw kong makita siyang umalis dahil ayaw niya sa akin, di naman maling magmahal diba?

Kaya pumikit na lang ako. At lalong dumaloy ang mga luha.

"Look, I'm always here for you Miguel." Naramdaman ko yung mga kamay niyang pumulupot sa akin.

"We can be friends. At sa paraang iyon, gusto kong dun mo na lang ibuhos ang kung ano mang nararamdaman mo sa akin."

Nakaka-ilang ito sa paningin ng karamihan. Dalawang lalaking nagyayakapan. Pero wala akong magagawa, lalo niyang hinigpitan at kumalas siya. Tinitigan niya ako ng matagal at nginitian, yung ngiting punong puno ng pag-iintindi. Ginulo pa niya lalo yung magulo kong buhok. At lumuhod sa harapan ko.

"Pasensiya ka na kung hindi ko pwedeng ibalik yung feelings pero.. Pero hindi ibig sabihin na pinili kong magkaibigan lang tayo, di na kita mahal. Pinili ko lang kung saan tayo tatagal."

<End of Flashback>

Ilang linggo na rin ang nakalipas simula noong umamin ako sa kanya. At sa bawat araw na lumipas, nagiging possessive ako. Ginawa ko na siyang pagmamay-ari ko kahit hindi naman ito tama.

-----

So far so good? Tell me what's your opinion. Please comment. DALI NAAA! :D

~Walter

Haba Ng Hair! (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon