♪ 01: Miracles

3K 77 30
                                    

Chapter 1

♬♬♬♬

Seigi's POV

Miracles. Isang sikat na sikat na banda sa school namin. Bakit kamo sila sikat? Bukod sa magaling sila sa musika, gwapo silang lahat. Simulan natin ang pagkilala sa mga miyembro ng banda.

Pero bago sila, umpisahan muna natin sa kanilang manager, na si..

Momoi Satsuki- Isang nilalang na pinagpala sa lahat. Maganda, maputi, sexy at mabait. Siya ang manager ng bandang Miracles at kababata ni Daiki. Mayroong rosas na buhok at mata. Kilala niya ang buong pagkatao ng bawat miyembro ng banda kaya walang kawala ang mga ito kapag sila ay may ginawang kalokohan. May alam siya sa musika tulad ng pagkanta at pagtugtog ng piano.

At eto na ang mga miyembro ng banda..

Midorima Shintaro- Isang nilalang na may green na buhok at mata. Nakasalamin, matangkad at madalang ngumiti. Pero kahit ganun, gwapo siya at maraming fangirls. Siya ang bassist ng grupo. Mahilig siyang makinig kay Oha-Asa, mahilig sa red bean soup. Medyo weird siya kung pakinggan pero mabait siya at sweet din minsan. Tsundere nga lang. Dakilang pakipot sa grupo.

Aomine Daiki- Isang nilalang na manyak. Oo manyak, mahilig manuod ng rated SPG na palabas at nangongolekta ng mga pornong magazines. Pero kahit ganun, maraming din na fangirls. Antukin at madalas makita sa rooftop ng school. Matangkad, may kayumangging kulay. Mayroon din siyang asul na mata at buhok. Siya naman ang drummer ng banda. Kababata siya ni Satsuki.

Kise Ryouta- Isang nilalang na pinagpala din ng lahat. Bukod sa pagiging guitarist ng grupo, isa rin siyang mushroom model ng mga sikat na agency sa bansa. Maraming fangirls at fanboys. Friendly at madaling kausap. May dilaw na buhok at mata. Matangkad, maputi at maganda ang pangangatawan. At siya rin ang most bullied sa grupo.

Murasakibara Atsushi- Isang nilalang na pinagpala ng Diyos sa katangkaran. Sobrang tangkad niya na minsan hindi na siya magkasya sa pintuan ng tren. May kulay ube na buhok at mata. Siya ang isa pang guitarist. Gaya ng sabi ko, matangkad siya. Mahilig sa matamis at mahilig lumamon--este kumain.

Kuroko Tetsuya- Isang nilalang na hindi ata pinagpala. Siya naman isa nilang vocalist. Maraming nagsasabi na masyadong mahina ang presensya niya para mapansin. Pero kahit ganoon ay marami ang nagkakandarapa sa kanya. Hindi siya katangkaran, pero cute pa rin naman. Madalang lang din ngumiti at siya ay maputi. Kasing kulay ng labanos. May light blue na mata at buhok. Mahilig uminom ng milkshake at magaling magluto. Ng nilagang itlog.

And lastly,

Akashi Seijuro- Isang nilalang na pinagpala ng lahat ng Diyos. Gwapo, matalino, madiskarte at gwapo ulit. Ang kaibahan, masungit siya at parang palaging may dalaw. Pero kahit ganoon, may kabaitan siyang nakatago sa kaila-ilaliman ng dagat. Pinakamadalang ngumiti. Pero kapag napangiti mo siya, feel mo ikaw na ang pinakamasayang tao sa mundo. Try mo, mafe-feel mo. Siya naman ang isa pang vocalist ng grupo. Akalin niyo 'yun nuh? Sa sungit niyang iyan naging vocalist pa. Hindi rin siya katangkaran parang si Tetsuya, pero mas matangkad siya ng onti kay Tetsuya. May pulang buhok at kaliwang mata. 'Yung kanan kasi ay kulay ginto. Astig nuh? Pero nakakatakot siya minsan. Kasi 'pag nagalit siya o di kaya'y nainis lang, bigla na lang siyang magbabato ng gunting. Kaya ingat din ha? Kung mahal mo pa buhay mo. Mahilig siyang maglaro ng Shogi, mag-isa. Oo mag-isa. Parang si Memo ng One Bad Move. Naglalaro ng Chess mag-isa. Masaya kaya 'yun? Try ko kaya? Mahilig din siya sa tofu soup at paborito niyang litanya ang, "If you oppose me, I'll kill you no matter who you are", o di kaya'y "Since I always win, I'm always right." Oha? Ganyan siya ka-confident sa sarili niya. Pero sabagay tama siya. Wala pa kasing nakakatalo sa kanya.

Oh ayan, kilala niyo na sila? Edi ayos. Eh ako? Kelangan niyo pa bang malaman kung sino ako? Psh, di na! Keri na 'yan.

"Seigi! Ano ba?! Ang bagal mo!"-Seijuro. Oh diba? Sungit niyan!

"Opo! Opo! Papunta na!"-sigaw ko pabalik at tumakbo na papunta sa kanila.

"Grabe ka talaga Seijurocchi, napaka-harsh mo kay Seigicchi. Cute naman siya ah? Diba ~ssu?"-Sabi ni Ryouta na umakbay sa akin.

"Nambola ka na naman. Sorry pero hindi ako free ngayong sabado eh."pang-asar na sabi ko.

"Aww, bakit ~ssu?*pout*"

"Aalis kami. Pupunta kami sa Batangas para bisitahin ang lola ko."-ako

"Ah. Well, ingat nalang ikaw dun ~ssu!"

"Oo.."-ako

"Tama na daldalan. Let's just walk okay? Both of you are annoying."

Sabihin ko pa ba kung sino nagsabi? Well? Whatever, halata naman eh.

"Sus, sabihin mo. Selos ka lang *yawn*"-Daiki.

"Sh-shut up! I'm not jealous! And why the hell should I? It's not that blah blah blah blah--."

"Translation, Jealous. Yeah yeah, you with your excuses Akashi Seijuro."-Satasuki

"Urgh! Ewan ko sa inyo!"

Ako nga pala si Yasahii Seigi isang ordinaryong nilalang, NOON pero nung nakilala ko na ang bandang ito, nagkanda leche leche na buhay ko. Pero masaya ako. Isa akong 17 year old na babae at ako ay parte rin ng bandang 'Miracles'.

Leche kasing pustahan 'yun eh! Nadamay ako. Basta parte nila ako bilang,

Personal maid nila.

♬♬♬

End of Chapter 1

asuuul: Musta brad? Ok lang ba ang kabanatang itu? Please comment and let me hear--este read your thoughts. Thank you and God bless us all. =^__^= Parang Prologue lang ang chapter 1, pero hindi siya actually prologue. Kaya nga parang eh. Basta! Bahala na XD

P.S Hanggang dito lang po muna :) Hintayin ang chapter 2 pagtapos ng Hoy Emperor Sungit! :)) Solomooot :3

VOTE

COMMENT

BE A FAN

FALL INLOVE ❤

04/10/14

Miracles ♬ [Akashi Seijuro/Seijuurou x OC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon