♪14: Angel's love

858 45 40
                                    

Chapter 14

I therefore conluded, KALAN ang tagalog ng stove. XD Naalala ko na. HAHAHA. LELS. XD

♬♬♬

Akashi Seijuro's POV

Like what she said, she'll be sleeping here for the night. Kumain na din kami kanina. Siya ang kauna-unahang babae na nadala ko dito. Kauna-unahang babae na nakapag-pabago kay Makai. And I thank her for that.

Nakakatuwa silang panuorin. Pareho pa naman silang matatakutin, horror pa ang napiling panuorin. Baliw. Natatawa nga ako sa kanila eh.

Magka-akap na tili nang tili si Seigi habang si Makai naman sinusubsob ang sarili sa braso si Seigi. Mga abnormal. Napapa-iling na lang ako.

Ate? Okay lang bang, mapalitan ka na sa bahay na to? Mukhang.. Masaya si Makai kay Seigi eh.

Ate.. Gusto kitang makausap.

At di ko namalayang nakatulog ako..

**

"Seijuro! Makai!" Masayang sabi mo sa amin.

"Ate!"

"Tenshii-nee!"

Takbo, tumatakbo kami. Naglalaro, masaya.

**

"Anong gusto niyo? Ice cream or cotton candy?" Tanong mo sa amin.

"Ice cream!" Sabi ni Makai.

Ngumiti lang ako at tumango. Though mas prefer ko talaga ang cotton candy.

**

"Ate! Hahahaa! T-tama na ate!" Sabi ko habang tawa nang tawa. Paano? Kinikiliti mo ako.

"HAha! Tenshii-nee! Ang panget ni Seijuro-nii!"

Tumawa ka kasama namin. Ang sarap pakinggan ate. Ang sarap.

**

"Haha! Tara dun!" Sabi mo habang hinihila kami papunta sa mga bulaklak.

"Ang ganda ate!" Sabi ko habang nakatitig sa mga bulaklak.

"Waah! So pretty!" Sigaw ni Makai.

Ngumiti ka sa amin at dinala kami sa hardin.

**

"Ate ayoko. Please."

Tumawa ka at hinila ako sa kamay papunta sa isang babae.

Si Seigi yun, ngayon ko lang naalala.

"Seijuro. Makikipag-kilala ka lang. At isa pa, ang cute niya kaya? Hindi ka ba naa-attract?" Naka-grin mong sabi.

I rolled my eyes, "Hindi. Ikaw lang ang naku-cutean." Sabi ko na ikinatawa mo ulit.

12 years old pa lang ako noon, at 14 ka. Kahit 12 pa lang ako, mas mature ako mag-isip sayo. Bakit? Childish ka kasi. Pero nakakatuwa ka.

**

"Her name is Seigi, Seijuro. Sana maging close kayo." Sabi mo habang pinapakilala ako sa batang babaeng nakaharap natin.

Ngumiti si Seigi at nilahad ang kanyang maliit na palad. "Seigi Yarashii. Nice to meet you." Sabi niya.

Ngayon ko lang naalala na, bakit? Paano tayo nakalimutan ni Seigi? Paano ka nakalimutan ni Seigi?

"Seijuro.. Akashi."

Miracles ♬ [Akashi Seijuro/Seijuurou x OC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon