♪10: Huwat

868 43 16
                                    

Chapter 10

Huwow. Nakaka-chapter 10 na siya! XD Huahua. Congrats to me. :3 LOL.

Geh push na read na. XD

Oo nga pala. Credits to Hibiya (of MCA) for the chapter title. Muhaha. XD

Word of the year. HUWAT.

♬♬♬

Seigi's POV

Naalimpungatan ako kasi may gumagalaw sa mukha ko. Nakikiliti nga ako eh. Di kaya aso to na dinidilaan yung maganda kong mukha?

Teka. Aso?

O____O

Napa-open eyes ako tapos wide na wide pa! Hinanap ko yung may sala sa pagkagising ko at phew~ buti naman at hindi aso.

Masyado naman tong gwapo para maging aso. Tyaka isa pa, kahit kailan ang isang Akashi Seijuro ay hindi magiging hayop. Pero yung ugali niya HAYUP. XD

Waaaait. Akashi? Seijuro? Akashi Seijuro? Huwat.

Napatingin ako kay Akashi na nakatitig sa mukha ko at hinahaplos yung pisngi ko. Teka. Dapat ba akong kiligin o mainis? Pero kinikilig ako eh. XD

"Ano. Hoy mayabang na nilalang. Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.

Gumalaw yung mata niya at tinignan ang mata ko. Oops, tingin sa ibang direksyon. Sabi nga kasi niya, 'The only one who can look into my eyes are the one who serves me'. And ayokong mag-serve sa kanya. Tama na muna yung pagiging P.A. niya ngayong taon.

"Why did you avert your eyes off me?"

Haluu. Anyare sa kanya? Si Akashi Seijuro ba talaga ang kausap ko? O.o

"Huwat."

Napabuntong hininga siya tapos umupo, sumandal sa malaking puno ng--kung ano mang puno itu. Tapos Tumitig ulit sa akin. Napa-upo naman ako tapos nakipag-titigan sa kanya. Bahala na si Spiderman kung ano man gawin niya.

"Bakit ba ganyan ka makatingin sa akin? Ganyan na ba ako kaganda ngayon?"

Oo Seigi. Ganyan ka kaganda, magandang ingudngod sa lupa. Kapal mo.

Kaaway ko na naman sarili ko. XD Naabnuy na naman ako. Hay naku, shabu pa more.

"Nothing. Mukha ka kasing anghel pag tulog. Yung feeling na gusto kitang paliparin sa langit para wala nang nakakairita?"

=___=

"Bwisit ka. Mamatay ka na."

Oha? Ganyan kami magmahalan ni Seijuro. Patayan. Bwisit sarap ipalapa sa aso. Bakit ba kasi ganito ugali nito. Sarap patayin.

"Nuh-uh. I know you can't do that. Mababawasan ng gwapo sa mundo if you kill me." Sabi niya habang naka-smirk sa akin. Pero naka-close yung mga mata niya habang nakasandal.

Oh-so-gwapo. Bat ganon? Imbes na mabwisit ako sa ngisi niya, feeling ko nalaglag ako sa patibong niya? Ang gwapo kasi. At may punto siya. Mababawasan ng gwapo sa mundo pag pinatay ko siya. Pero masarap pa rin siyang patayin eh.

I rolled my eyes, tapos nagcross arms ako. "Kapal mo. Oh? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Nakatulog ako." deretso niyang sabi.

"Eh?"

Nakatulog?! Eh bat talagang sa tabi ko pa?! At bakit dito pa?! Eh tanga lang Seigi? Alanga namang sa gitna ng field? Sa garden lang magandang matulog kasi madamo. Pero madamo din naman sa field ah?! Ay potakte, ayoko na nga mag-isip. Nakaka-imbyerna.

Miracles ♬ [Akashi Seijuro/Seijuurou x OC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon