Nagulat ang dalaga ng imbes magalit ay tumawa lang ang kanyang guro.
"B-bakit p-po ma'am?"
"Ah sorry ah. Natawa lang kasi ako kasi ang cute mo tingnan. Para kang batang nahuling nangungupit." At tumawa pa si Ella.
"Eh, pasensya na po talaga. Hindi ko naman akalain na-na-
"Na may porn sa mga dvds ko?"
"Ho?! Sainyo po tong mga 'to?!" Gulat na sabi ni Cali.
Ngayon si Ella naman ang pinamulahan ng mukha tapos tumango siya. Tapos humakbang palapit kay Cali.
"Alam mo kasi hija, pag may asawa kana maiintindihan mo rin yang mga bagay na yan. Uh, hobby kasi namin t-to ng asawa ko eh. Pero wag ka mag-alala, matagal ko naman tong hindi nagagamit eh," sabay turo ni Ella sa mga dvds.
"Nga po pala ma'am ano na po bang oras?"
"Mag a-alas nwebe na ng gabi."
"Ho?! Ang bilis naman ng oras kailangan ko na po pala umuwi."
"Hindi ka ba kakain man lang? Tapos na akong magluto at alam kong napagod ka rin sa paglilinis."
"Ah-eh kasi ma'am-
"Dumito ka na lang muna sa bahay Cali. Total wala rin namang pasok bukas at isa pa ang lakas ng ulan sa labas. At alam kong wala ka rin makakain sa apartment mo. Samahan mo na lang ako total wala rin akong kasabay kakain," Sambit ni Cali.
"Nako, salamat po ma'am."
Kahit hindi maamin ni Cali, tama naman si Ella. Kumakalam na ang sikmura niya. At nahihiya siya dahil pakiramdam niya abuso ng makikain pa siya.
Pero dahil nga gutom na gutom na rin siya ay nagpaubaya na rin siya at bumaba na sila para kumain.
. . . . .
"Ano po 'yan ma'am? Nakakalasing po ba 'yan?" Alanganin na tingin ni Cali sa basong may pulang likido.
Natawa ulit si Ella.
"No, no. It's just red wine. Para ka lang umiinom ng juice na may halong menthol."
"Hindi ka ba nainom sa inyo Cali?" Dagdag ni Ella.
"Naku! Hindi po, pag nakatikim ako mg kahit na konting alak nako! Baka palayasin na ako ni itay."
"Strict ba parents mo?"
"Nako mam! Sobra! Ayaw nga nilang umalis ako g bukid at mag-arak dito."
"Eh bakit naman?"
"Mas maganda raw po na atupagin ko ang aming pagsasaka at tumulong ako sa negosyo ng pagtiinda ni inay. Kung hindi nga ako namilit, wala sana ako dito ngayon."
"Pero bakit mo pinili na magpatuloy dito sa siyudad kahit mahirap ang buhay?"
"Gusto ko po kasing makipagsapalaran. Alam kong hindi lang na li-limit sa probinsiya namin ag buhay ko. Ayaw kong makulong at tumanda na lang sa isang baryo. May mga pangarap po ako at pag natapos ko na po 'yon ay maiaahon ko na ang mga magulang ko sa hirap."
Napangiti si Ella. "Alam mo siguro kaya ang gaan-gaan ng loob ko sa'yong bata ka, kasi alam kong pursigido kang bata. May pangarap, may tapang. Cheers to that?"
At inangat ni Ella ang kaniyang baso, inangat din ni Cali ang kaniya.
"Cheers?"
"Cheers."
At unang beses nakatikim ng alak si Cali. Noong una ay mapait ngunit kalaunan ay nawawala rin. Parang nasusunog ang kanyang lalamunan.
Panay ang kwentuhan nila ni Ella at hindi namamalayan ni Cali na napaparami na rin ang inom niya.
Ang sarap kasi kausap ng guro. Para bang matagal na silang magkakilala.
"So Cali, sa ganda mong 'yan paniguradong may boyfriend ka na?"
"Uhm, wala pa po."
"Manliligaw?"
"Uh, meron po. Marami sa bukid pero ang kaso wala akong interes sa isa man sa kanila. Ewan ko ba kung bakit ma'am." Inangat ni Cali ang kanyang balikat tapos natawa siya. Siguro epekto ng alak.
"Alam mo Cali, mabuti rin naman ang walang boyfriend." At nagulat si Cali ng hawakan ng guro ang kanyang tuhod at parang hinaplos-haplos ito ng paikot. Hindi siya nagpahalata na nagtataka siya sa ginagawa ng guro. "Mas makakapag-concentrate ka pa sa iba pang bagay gaya ng pag-aaral."
"O-oo nga po ma-ma'am." Nauutal na sabi ni Cali.
"Hmm... it's getting late, I think we should call it a night." Sambit ni Ella sabay tayo at ayos ng mga gamit.
"Ah sige po. Kuha na lang po ako ng foam tapos sa sahig na po ako hihiga."
"No, no. Bisita ka Cali. It would be rude for you to sleep on the floor."
"Eh, sa'n po ako matutulog ma'am?"
"Sa kama. It's so big at isa pa we both would fit in there. Ang sexy kaya na'tin dalawa. Sigurado saktong-sakto tayo diyan." At kinindatan pa siy mg teacher niya, Natawa silang dalawa.
"S-sige na nga po."
Naisip ni Cali na tama nga naman ang guro. Magiging masakit sa likod ang humiga sa sahig. Kaya naman pumunta na siya sa kwarto ni Ella.
"Susunod lang ako. I'll just take a shower." Ang huling sabi ng guro bago sila maghiwalay.
----------- ITUTULOY ----------------
BINABASA MO ANG
Forsaken Wife
RomanceWhat's a forsaken wife got to do when her husband is away? "Just cut the chase and have a taste of what a forsaken wife really feels like... all the twists and turn, and the lies..." -Ella Si Cali ay isang literal na dalagang bukid, isang inosenteng...