Chapter 3: Hey I know you!
(a/n: hahaha okay yung sa side ---> yan si mr. de la fuente!!!! hahaha )
Ivan POV
Life goes on. Ito na ako, uuwi na sa Pinas. After 2 months, medyo nag laylow na yung kay Ms.P kasi alam kong di ko na siya makikita.. Salamat naman. I really love my country. So yeah, 11pm ang flight ko. Hinatid ako nila mama at papa sa airport. Sinuot ko ulit yung paborito kong damit. Walang sumasagabal sa isip ko ngayon, kinuha ko maleta ako, hawak hawak ko passport etc. At pumasok na ako sa entrance.
ANG DAMING TAO. Every hour ata may mga umaalis. Grabe naman di man lang mapakali mga tao, alis ng alis. May kung anong urge sa akin na lumingon lingon, baka ata may kakilala ako dito. Tamang tama paglingon ko.
Yikes! May babaeng kumukuha ng pictures. Gabi na kaya.Tsk. Ah wait sino ba ako para mag judge, dala dala ko din naman yung sa akin. Tinignan ko siya. Naka dress. Cute, di ko nakita muka niya eh. Nakafocus kasi camera niya sa direction ko. Malay ko ba kung ako o ibang tao kinukuhanan niya. Swerte siya pag ako kinukuhanan niya, baka maadvertise pa sa magazines. Hahaha. Yabang ko. Inalis na niya yung camera, bigla kong inalis tingin ko din sa kanya. Sabay kami.
TEKA! TEKA! TEKA LANG! Ano ulit yon? Babaeng May Camera? Kumukuha
ng pictures? Tama ba nakita ko kanina? Bakit naman di ko tinignan muka niya? WTH! Pucchhhaaa!!!!! Tumingin tingin ulit ako. Wala na yung kumukuha
ng photos, asan na isya? Teka, baka kasi…baka kasi…ay baka kas isiya si Ms.P, wala namang masama kung ichecheck ko lang di ba?
Kaso I lost her again. I lost her. Yung chance na “baka” siya nga yun. Dahil 3 and a half hour pa before flight ko, pumunta ako sa direction nung babae kanina, may mga lehera ng upuan, may dalawang babaeng nakaupo. Yung isa mahaba din buhok, maganda ha at nag a-IPAD. Yung isa naman nakasandal sa kanya, tulog ata? Tinignan ko.
TADHANA nga naman oh! Siya yung kumuha ng pictures kanina. I just need to
see her face.
“ Excuse me, mister. Are you looking for someone?” Sarcastic na tanong nung ni long hair.Siya yung nakita ko na kasama ni Ms.P, pero si Ms.P ba tong katabi niya?
“ Actually,yes. I thought your…ummmm, friend is someone I know, ..or knew. Can I see her face?” Kapal ko. CAN I SEE HER FACE? Stalker na ang tawag sa akin eh. Stalker na nga talaga! What’s my right to see her face? Eh natutulog pero bakit ko ba nasabi yun? Siguro kasi It’s now or never. Malay mo siya nga yun, oh kung siya yun mawawala na yung doubts ko na hindi siya totoo. I just need to see the face. Is that so bad? Buti sana kung yung suot niya eh yung suot niya nung nakita ko siya pero hindi eh. Di nga ako sigurado kung siya to.
“ Her face? Mister what the hell if your problem? You’re stalking! Can’t you see she’s asleep?!” Ang tapang. .. sabagay totoo naman, tulog siya. Kanina lang gising, bilis makatulog! I just stared at her, nakatakip kasi ng hat yung buhok niya. Take NOTE: Hat, bagay sa kanya. Ano pa nga ba magagawa ko? Di ko naman sila kilala. Kaya sabi ko
“ Sorry. I just though I knew her, miss.” Tumalikod ako at naglakad.
“ Haaaaaaa.” Someone yawned.
“ Something wrong trix? Tulog pa. Mga 15 minutes” short hair said. Gising na yung natutulog?! Lumingon ulit ako, SWERTE ko talaga! Oh, she tucked her hair on her right ear, her bangs fell on her forehead. My jaw fell open. Wow kasi. WOW FACTOR!
Shit, ang ganda niya. Tumungin ako sa kanya, tumingin siya sa akin.
“HEY! I KNOW YOU! I SAW YOU ALREADY!” Sabay kaming napasabi.
Take note po: SABAY. Meant to be siguro. Same Camera, same place to see each other again. SAME words na nasabi.
“ Ikaw yun! “ Sabi ko nakangiti, hinala ko maleta ko. At umupo sa may tabi niya.
“ Oh, yeah! It was me! You’re the guy who was staring right?” she asked. Parang kabado nga siya eh, parang pilit pa yung conversation namin.
“ Ya got that right! Never thought we’ll see each other again!” Sabi ko naman. Nakatingin sa akin si short hair. O nakalimutan na niya din ako. So I need to introduce myself.
“ Name’s Ivan.” Shake hands. Hehe.
“ I’m Trix. She’s Kim, my bestfriend.” Wow. Trix? Trix. Hi Trix! I missed you! Though I don’t know you, I still missed you! Never thought I’d see you again. Pero di ko sinabi yan ha.
“ Nice.. So you’re trix? Ikaw din kukuha ng photos kanina?” I asked her, para naman di maputol pag uusap naming. Wag muna…
“ Yep. I was. I saw you through the lenses, I thought I knew you. Well, guess I was damn right.”
Nag excuse si Kim na aalis muna kasi may tumatawag sa kanya. Boyfriend niya siguro kasi nag tinginan yung dalawang mag BFF at kinilig yung si Kim.
At ito ako. Ito si Ivan. Katabi si Trix. Trix na di ko alam apelyido. Trix na gusto kong magpayakap. Trix na binalikan ko sa Palo Verde Road sa Irvine,CA. Trix na pinrint ko picture. Trix na di ko kilala at kakausap palang. Love at first sight? Ewan. Trix na mabait. Trix na nagging statue ako kakatitig sa kanya 2 months ago.
“So…”?? She asked.
So ano na Ivan? SPEAK UP!
“ Wala lang. Can I sit here for a while?”
“Sure naman!. What brings you here pala? Going somewhere?
“Pinas.”
“Pinas?! Papunta din kami doon! “
I grinned. Scary kaya? Basta something tells me never to leave this place. 2 hours nalang, I need to say bye soon. Ano ba itong nararamdaman ko hindi ko kilala tong babaeng ito pero somethings pulls me to her. Something wants to stay…I wanna stay here. Family background, surname, wala akong alam sa kanya. Pero para akong statue. Na everytime na makikita ko siya I wanna stop everything , kahit ano pang ginagawa ko.
“ Great! PINAS tayo then!” sabi ko nalang. Siguro happy si Trix, kasi tumayo siya, ewan ko kung bakit happy siya baka may boyfriend siya sa pilipinas na excite na siyang Makita o dahil baka may pupunta ditto na ex niya o mahal siya at mahal niya at magbabbye sa kanya. Maiiwan nanaman ako. May string kaya ako na nakatali sa kanya….invisible string yun na sabi kelangan katabi ko siya parati. Kasi kung hindi pag naputol yun, mawawala narin ako sa balance.
Nakaconnect kasi yun sa pagkatao ko eh.
Yung nga tumayo siya tapos hinala niya kamay ko. Napatayo tuloy ako. Guess what? Wala lang nakatayo lang kami. Hehe! Kala niyo kung ano noh?
Nakatayo lang kami.
Sa mga lalakeng nagbabasa nito, alam niyo ba yung gusto kong gawin? Nako gusto kong yakapin tong Trix na ito. Nakatayo naman na kami eh, gusto ko siyang yakapin kasi sigurado ako di ko na ulit siya makikita. Yung una palang diba ito na gusto kong gawin? Kaso may pumigil sa akin…baka kasi isipin niya bastos ako. Ayokong ganun impression niya sa akin. Di pwede. Kaya kahit GUSTONG GUSTO NA GUSTO NA GUSTO ko na talaga eh pinigilan ko parin.
Nakatayo kami, she got her bag, maleta niya at tinawag si Kim. Ako din kinuha ko na. Hoy trix, pwede saglit lang? pwede ba malaman surname mo? Hahanapin nalang kita.Yan gusto ko sabhin.
“ Guess we have to go na Ivan, sabay na tayong tatlo” such a kind person.
Uy Trix, surname mo po? Surname? Address? Kahit contact number lang oh!!!! Please?
Hahanapin nalang kita. Please? baka isipin mo din may crush ako sayo. Wala. Gusto ko lang mkita ka ulit na kumukuha ng pictures. Kahit ako nalang maghanap sayo,
BINABASA MO ANG
CAPTURE (ON HOLD)
RomantiekLove found. Love lost. Can you still capture his heart for the second time around?