ELA'S POV
GoodMorning Thursday.
^______^
Maaga akong nagising para sa requirements ko. Nextweek pa naman start ng klase at new work ko kaya may time pa ko para sa mga kelangan kong tapusin.
Bago ako naligo nagluto muna ko ng almusal at inihanda ko na 'yung gamot ng kapatid ko.
"Aga mo ate ah..Wow ang bango naman niyan!!"nakangiting sabi ni Marky. Kapatid ko. 15years old na siya at 3rd year highschool na.
Nagluto ako ng itlog,tuyo at sinangag ko 'yung kanin. Kamatis naman para sa sawsaw ng tuyo.
"Oo naman para saiyo yan talaga,umupo kana oh?!"
Umupo naman siya at nagsimula ng kumain.
"Pagkatapos niyan ay inumin mo na 'tong gamot mo bago pumasok ah"
"Opo ate..hmm..ah..ate?"sabi niya kaya naman napatingin ako sakanya.
"Mmm ano 'yun?"
"Uhmm..ka-kase may tour----"
Alam ko na 'to.
"May tour kayo?kelan naman?"
"Ahm..sa August pa naman ate..Required kaming sumama dun"
August?..hmm. bahala na.
"h-ha? Eh..magkano naman daw?"
"10thousand ate..p-pero kung---"
O____O
As in?
"O sige pag-iipunan ni ate ah"
Sige lang Elay..magsinungaling ka.
"T-talaga ate elay?"
"O-oo..hehe..kelan ba deadline ng bayaran?"
"First week nextmonth ate.."
Ouch T____T
"U-hmm..sige gagawan ko ng p-paaran"
Sana nga magawan ko.
"E bakit kase pinipilit mo pa elay?di mo naman talaga kaya.."biglang singit ni Mama. Kalalabas niya lang ng kwarto.
"Ma.."pigil ni Marky.
"Manahimik ka Marky..Ano Mariela?ginusto mo na parehas kayong mag-aral sa exclusive school tapos ano?..di mo na kaya?.."
Gusto ko lang naman na namomonitor ko si Marky.Kaya parehas kami ng school.Ayos naman sa public school. Kaso..may sakit si Marky.Nakasanayan narin namin dati na sa private nag-aaral.
Gusto ko maging maayos lahat sakanya.Ayoko siyang magtanim ng sama ng loob.Kahit pa sinasabi niyang naiintindihan niya na di ko siya kayang pag-aralin sa private school.
"Sige na marky kumain kapa---" baling ko kay marky.
Kunwari'y di ko pinapansin si mama.Pero sa totoo lang..
Sanay na sanay na ko sakanya.
"Bakit kase ayaw mo pang tumigil sa pag-aaral Mariela?ha?madaming kelangan kapatid mo tapos ikaw..hay nako."
Alam ko di ko na kaya..at mahirap..
"MA ANO BA?"sigaw ni Marky kay mama.
"Marky h'wag ka sumigaw nakakasama sayo yan"pagpapaalala ko sakanya.
BINABASA MO ANG
A Night With Mr. Campus Prince
RomansaSa sobrang malas ko..Nalasing ako at ngayon ay..Buntis ako!!!Buntis ako..Buntis ako for christ sake..At ang ama ay isang sikat na student sa school. Gwapo,Mayaman,matangkad,maimpluwensya at madaming chiks. Pero wala ko paki-alam. Putcha...Buntis ako...