MARIELA's POV
"Sis..bilis..."sabi sakin ni Jeje habang kinakaladkad niya ko patakbo kung saan.
"Eto na nga eh..saglit naman kase..saan ba tayo pupunta?"hingal na sabi ko.
"Basta dalian mo nalang.."bwisit 'to.
"Pag eto hindi importante ah malilintikan ka talaga sakin."banta ko pero di niya ko pinansin.
Ang napansin ko nalang patungo kami sa music hall ng school namin.
Pagka-open niya ng malaking pintuan..
"Tadaaaa!!!"masiglang sabi niya sakin.
O_o
"Eh?"
"Tara doon tayo umupo"hila nanaman niya sakin.
"Anong gagawin natin dito?"tanong ko.
"Edi mag-aaudition ka"simpleng sagot niya.
O_o
(>_<)
"HA?"sigaw ko.
"Aray ah..makasigaw te? Asan kausap mo? Nasa north edsa?" angal niya. Napalakas ata sigaw ko. Napatingin tuloy samin yung ibang busy sa pag-aayos ng kung ano-ano sa stage.
"Ayoko Sis.." tangi ko.
Sabi na eh..eto nanaman si Jeje. Mamimilit nanaman 'to.
"Anong ayaw? Gusto mo sampal?"
Umiling ako.
"Isa.."
"Ayoko" tanggi ko padin. Maglalakad na sana ako pabalik pero hinila nanaman niya ko.
"Dalawa"
"Sis? May duty pa tayo sa library oh"
"Tatlo"
"Ano kaba? S.A na nga tayo ng school tapos sasali pa ko diyan?"
"Gaga ano kaba,required 'to sa lahat ng estudyante..mapa-S.A ka man o hindi"
"Ayoko talaga!! Ibang org. nalang please!"
Tama yun. May Org. na dapat salihan kami sa school na 'to. Pero,ayoko talaga dito.
Pwede namang iba nalang eh. Huwag lang talaga Theater Club.
Ayoko dito..kase di ako marunong umarte!!
"No No No...Dito tayo sasali at bawal ng tumangi"
"Ay---"aapela pa sana ng biglang..
"Mr. Navarro and Ms. Maravilla,andiyan na pala kayo!"sabi nung teacher in-charge dito sa department na 'to.
Isa pa 'to sa dahilan kung bakit ayaw ko dito eh.
"Bwisit ka talaga mamaya ka saking bakla ka!"bulong ko kay Jeje.
"Ow..Hi Sir Uy" malanding sabi ni Jeje kay Mr. Uy.
Siya si Mr. Edison Uy. Prof siya sa Art Appreciation at Physical Education. Yes,bata pa siya at isang taon lang agwat namin pero ginagalang ko padin siya.
Gwapo siya,matangkad,matalino at madaming nagkakagusto sakanya na mga estudyante at kapwa teacher niya.
"Goodafternoon po"bati ko.
Nakakaasar..isa siya sa pumipilit isali ako dito. Siguro magkasabwat sila ni Jeje.
Ngumiti siya ng matamis sakin.
BINABASA MO ANG
A Night With Mr. Campus Prince
RomanceSa sobrang malas ko..Nalasing ako at ngayon ay..Buntis ako!!!Buntis ako..Buntis ako for christ sake..At ang ama ay isang sikat na student sa school. Gwapo,Mayaman,matangkad,maimpluwensya at madaming chiks. Pero wala ko paki-alam. Putcha...Buntis ako...
