MARIELA'S POV
It's been one week simula nung huling usap namin ni Gabby.
Actually medyo guilty ako everytime na nakikita ko 'yung dalawang bestfriends ko. Alam ko dapat sakanila ako unang hihingi ng tulong...pero...iba na kase ngayon eh.
Nahihiya na ko sakanila. Ang dami ko na kasing utang sa mga 'yun eh. Lalo na kay parekoy.
Naglalakad na ko papuntang terminal ngayon. Alas nuebe na ng gabi kaya naman madilim na sa labas at kaunti nalang 'yung mga taong naglalakad.
Paliko na ko ng biglang...
"Elay!!!."
O_o
taena! kagulat naman yun.
(>_
Lumingon ako para makita kung sino 'yung hampaslupang tumawag sakin.
"Oh..bakit?" tanong ko habang nakangiti kay Argie. Isa sa mga ka-crew ko sa Happy Bee.
Di ko nalang pinahalatang medyo nainis ako sa pagkagulat.
Lumapit siya sakin at mukhang hinihingal siya.
"Pauwe kana pala di mo lang sinabi." sabi niya. Hingal din 'yung boses niya.
Tumakbo kaya siya?
"Ah..hehe"yun nalang 'yung sabi ko. Di ko naman alam kase na dapat pala ma-inform ko siya sa pag-uwe ko. Tss. FC much?!
"Saan pala 'yung sainyo?" tanong niya habang nagsisimula na kaming maglakad.
"Ah sa Dela Costa lang"
"Oh? Lapit lang din ako dun eh..tara sabay na tayo." pag-aya niya sakin.
"Ah hehe.. Sige" pumayag nalang ako. Mas okay na 'to kesa naman umuwi ng mag-isa,delikado na sa panahon ngayon.
Panay ang kwento niya habang nasa byahe kami. Masaya naman pala siya kasama. Di nauubusan ng kwento.
Nang pababa na ko,nagpumilit siyang ihatid pa ko sa mismong bahay namin. Ang kulit kaya naman pinayagan ko na.
"Alam mo..."Panimula niya nung nasa tapat na kami ng bahay
"Unang kita ko palang sayo..napangiti agad ako"mahinang sabi niya pero dama mo ang excitement sa boses niya.
"Bakit naman?"tanong ko habang nakatitig sa mga mata niya.
Ngumiti siya nang pagkatamis-tamis."Kase sa wakas..binigay nadin ni God 'yung soulmate ko"
O_o
"Eh?" speechless.
Bigla siya nahiya at bumuntong hininga.
"G-gusto kita Elay" utal na sabi niya.
Ano daw?
"H-ha?"pagkaklaro ko.
"Sabi ko..gusto kita"
O_o
→_→
←_←
"Per--" aangal pa sana ako..
"At gusto kitang ligawan"confident na sabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/14322008-288-k420440.jpg)
BINABASA MO ANG
A Night With Mr. Campus Prince
RomanceSa sobrang malas ko..Nalasing ako at ngayon ay..Buntis ako!!!Buntis ako..Buntis ako for christ sake..At ang ama ay isang sikat na student sa school. Gwapo,Mayaman,matangkad,maimpluwensya at madaming chiks. Pero wala ko paki-alam. Putcha...Buntis ako...