ROOM
===KATH'S POV===
Pagpasok ko sa room ay may narinig akong nagkwekwentuhan.
"Girls alam niyo bang bumalik na ulit dito si Albie at Zharm?"sabi ng isang babae
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. What?! Bumalik pa iyong mga traydor na iyon dito? They don't deserve it. Bakit hinayaan ni Daddy at Mommy iyon?
"What do you mean na bumalik?"tanong naman ng isang babae
"What I mean is dito na ulit sila mag-aaral sa University natin."rinig kong sabi ng isa pang babae
Parang biglang uminit ang ulo ko sa mga narinig ko. Bumalik ulit ang sakit na naramdaman ko noong nalaman kong babalik na ulit sila dito. Oo umalis silang dalawa sa University na ito noong nagbreak kami. Pinigil ko ang iyak ko at dumiretso ako sa upuan ko. Pupunta na sana ako sa restroom ng biglang may nagsalita. Parang napako ako sa kinatatayuan ko sa nakita ko."Uy pare kamusta ka na? Kamusta na kayo ni Zharm? Aba lalong gumaganda ang girlfriend mo pare ah.."sabi ng isa kong kaklase na si Joshua.
"Ok naman kami. Actually we're engaged na."albie
Sa narinig kong iyon lalong naging masama ang pakiramdam ko. Nakita ko na siyya ulit. Ang taong nang-iwan sa akin. Pero ang masakit nito hindi siya bumalik para balikan ako. Bumalik siya ng may kasamang iba. At ang babaeng iyon ay kaibigan ko pa. At dating parte ng aming barkada.
Lumabas ako. Umalis ako ng room. Hindi ko alam kung saaan ako pupunta pero takbo parin ako ng takbo. Sa rooftop ng isang building ako dinala ng tadhana. Dito ako mahilig pumunta kapag gusto kong mapag-isa, kapag gusto kong maglabas ng sama ng loob. Malayo ito sa room. Kaya walang makakarinig tuwing sumisigaw ako.
BINABASA MO ANG
HINDI KITA IIWAN ----- KATHNIEL (Book 1)
Teen Fiction"HINDI KITA IIWAN" iyan ang pinakagasgas na kasinungalingan para kay Kathryn Chandria Bernardo. Simula noong iwan siya ng kanyang 1st boyfriend na si Albie ay nagsimula na siyang maging pusong bato. Hanggang sa dumating si Daniel Padilla sa buhay n...