CHAPTER 52

18.2K 172 10
                                    

JULIA'S POV




*BEEEEP*

1 MESSAGE RECEIVED


Dali-dali kong kinuha ang phone ko.

Baka si Kath ang nagtext. Di man lang kasi siya nagtetext at di niya din sinasagot ang tawag ko sa kanya. Alam kong masyadong nasaktan si Kath sa nangyari noong nakaraang gabi.

Yes. It's been 2 days passed noong gabing iyon pero di pa din siya nagpaparamdam sa amin.

Nag-aalala na nga kaming barkada at pati ni Kuya Lui.

Si Daniel?

Ayon! Halos araw-araw absent dahil hinahanap niya si Kath.

Ginagawa niya ngang araw ang gabi sa sobrang paghahanap kay Kath. Kaya nga kahit inis at galit kami sa kanya, naaawa pa din kami.

Iyong eyebags niya nga parang maleta na sa sobrang laki eh.

Binasa ko na ang text.

^____________^ YES! Si Kath nga ang nagtext! I miss my Baby Sis!

FROM: Baby Sis <3


Ate Juls, kita tayo sa condo ko later. 1 PM sharp. Ingats ate! Lovelots! Don't worry about me, I'm ok. :) Please Ate, make sure na tayo lang ha? I love you :*



Hay. Napakasweet talaga nitong si Kath.

Tiningnan ko ang orasan.

10 AM na. Kaya naman naligo na ako. Di ko na nireply si Kath. Later nalang kapag on the way na ako.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

11:30 AM


On the way na ako. Medyo malayo din kasi iyong condo ni Kath tapos traffic pa.

HINDI KITA IIWAN ----- KATHNIEL (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon